Chapter 7

16.3K 275 3
                                    

"Akala ko ba ngayon mo mamemeet yung future husband mo?"

Nandito lang kami sa kwarto ko at pinag uusapan lang naman namin ang future husband ko kunno.

"Wala silang sinabi na ngayon ko siya mamemeet basta ang sabi nila soon."

" Eh ano kaya kung puntahan mo siya sa bahay nila?"

"Ano ka? Eh di iisipin nila na atat akong makita ang anak nila kahit hindi."

"Suggest lang."

"Magsusuggest ka na nga lang yung walang kwenta pa."

"Ay ganun. Eh di wow!"

"Feeling wow."

Hindi kami pumasok ngayon sa work kaya nandito lang kami sa bahay.

I'm booreed! Matanong nga tong si Lean kung ano ang magandang gawin ngayon.

"Ano kayang magandang gawin ngayon?"

"Nice question! Maligo kana at mag ayos may pupuntahan tayo."

"San naman?"

"Mall." ngingiting sabi niya sa akin.

"Seryoso?" Paninigurado ko.

"Oo matagal tagal na din kasi nung huli nating punta dun."

"Sige sige! Tawagan mo na rin si Elli kung gusto niyang sumama."

"Okay!" tipid niyang sagot saka siya lumabas ng kwarto ko.

Grabe nakaka excite naman.

Pumasok na ako sa banyo para maligo.

Aileanna's POV

Tapos na akong maligo at magbihis kaya lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko na rin si Jhean na lumabas ng kwarto niya.

"Ano tara?" pagtatanong niya sa akin.

Mukang excited siyang pumunta ng mall ah kung sabagay ngayon lang ulit kami lumabas mula ng namatay ang parents niya.

"Teka natawagan mo na ba si Elli?"

"Hintayin na lang daw natin siya."

"Sa labas na lang natin siya hintayin."

"Sige."

Lumabas na kami para hintayin si Elize.

Going out tonight, changes into something red.

Her mother doesn't like that kind of dress.

Everything she never had.

She's showing off

Driving too fast moon is breaking through her hair

She's heading for something that she won't forget

Having no regrets is all that she really wants

"Yung phone may tumatawag."

Nilabas ko mula sa bag ko ang cellphone ko para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin.

Elize Calling..

"Si Elize."

"Sige sagutin mo na."

Tinap ko na ang answer button para sagutin ang tawag ni Elize.

"Hello?"

"Malapit na ako diyan sa inyo siguro mga 3 minutes nandiyan na ako."

"Okay sige."

"Sige."

End call..

"Anong sabi?" pagtatanong sa akin ni Jhean matapos kung iend call ang tawag.

"Sabi niya baka 3 minutes nandito na siya."

"Ahh." Tipid niyang sagot.

Maya maya pa ay nandito na si Elize sakay ng kanyang kotse.

"Hop in." sabi niya.

Nagsimula na kaming maglakad para sumakay sa kanyang kotse.

"So ano tara?" pagtatanong niya pagkasakay namin sa kotse niya.

"Tara." sabay naming sabi ni Jhean.

Grabe ngayon lang ulit kami pumunta ng mall at kasama pa namin si Elize kaya nakakaexcite.

So ayun after ng 15 minutes na pagmamaneho ni Elize sa kanyang sasakyan nakarating na rin kami sa Mall.

Una naming ginawa ay ang manuod ng sine.

Tapos ng movie pumunta naman kami sa time zone para maglaro sumakay sa iba't ibang rides at marami pang iba.

Pero ito lang ang masasabi ko.

This is the best day ever grabe nag enjoy ako ng sobra lalo na't kasama ko ang dalawa kong kaibigan ..

Sana may maulit uli to ... ^____^

Naglalakad lakad lang kami hanggang naisip nila na bumili ng mga damit ..

I'm Married to a MillionaireWhere stories live. Discover now