Chapter 28

10.2K 190 0
                                    

Unknown's POV

"Ano naayos niyo na ba ang lahat?" Pagtatanong ko sa isa sa mga tauhan ko.


"Opo boss."


"Sig. Ayus ayosin niyo trabaho niyo dahil malaking pera ang makukuha niyo dito. Bukas na lang natin isagawa ang plano at nang matapos na to."


Naglakad na sila paalis at pumasok na rin ako sa hotel kung saan malapit lang sa room nina Jc.


Bukas sisiguraduhin kong wala na kayo ng asawa mo. Lihim akong napangiti dahil sa mga plano ko. Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa akin.


Jheanna's POV

Akala ko nung umalis na kami ay dideretso kami sa bahay nina Carl pero hindi pala dahil sa isang bar kami dumiretso.


"Anong ginagawa natin dito?" Pag tatanong ko kay Jc nung nakapasok na kami sa loob.


"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa dito? Sulitin na natin dahil hindi na tayo makakapunta dito oras na makaalis tayo dito." Nakangiting wika nito.


"Pero masyadong maingay dito. Mauna na lang ako sa bahay nina Carl."


"Sige kaw bahala." Kibit balikat nitong sagot.


Naglakad na ako pero bago ako maka alis hinigit niya ang kamay ko at hinalikan ako.


Nabato ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya. Hindi ako makagalaw, I never expected that he will do this.


Maya maya pa ay humiwalay na ang kanyang mga labi sa aking labi kaya napa ayos ako ng tayo.


"Next time try to respond with my kiss. See you later." Nakangisi niyang sabi at hinalikan ang pisngi ko bago niya ako tinalikuran.


Unti unti kong ginalaw ang aking mga paa para maka alis sa maingay na lugar na yun.


Nag tataka lang ako dahil alas tres pa lang ng hapon ay naka bukas na yung bar. Masyado pang maaga para mag bukas  nag kibit balikat na lang ako at nag patuloy na sa pag lalakad.


"Masyado pang maaga para bumalik sa hotel siguro mamasyal na lang ako." Sabi ko sa sarili ko.


Ang sarap talagang lumanghap ng sariwang hangin. Hindi tulad sa Maynila na hindi sariwa  puro usok na lang ng sasakyan ang naamoy.


Habang dinadama ko ang simoy ng hangin biglang bumalik sa aking isipan ang pag halik ni JC sa akin kanina. Agad akong umiling at tinuon na lang ang atensyon ko sa mga taong nag lalakad.


Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong bumili ng pag kain.


It's 5:00 in the afternoon when I decided to go home. Pagkarating ko nadatnan ang lahat sa living room na nanunuod ng T.V.


Naramdaman siguro ni Lean ang presensya ko kaya lumingon siya sa gawi ko.


"Ohh bakit ngayon ka lang? Nasan ang asawa bakit hindi mo siya kasama?"


"May pinuntahan pa kasi ako  si Jc nag punta sa bar."


"Ano namang gagawin niya dun?" Pagtatanong naman ni Carl na kanina lang ay nakatalikod.


"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa bar? Alangan namang mag pagupit siya dun? Ohh edi umiinom siya malamang  mag isip ka nga." Sagot naman ni Lean na katabi lang niya.


"Don't start again." Singit ni Elize na katabi langdin ni Lean.


"Haaay! Ewan ko sa inyo maiwan ko na nga lang kayo diyan." Sabi ko at nag lakad na paakyat ng hagdan.


Pag kapasok ko sa kwarto ay napasalampak na ako ng higa sa kama dala na rin siguro ng pagod maya maya pa ay nakaramdam ako ng antok kaya naisipan kong umidlip muna.


Naalimpungatan ako dahil sa biglang pag bagsak ng isang tao sa kama na aking hinihigaan.


Unti unti kong minulat ang aking mga mata para tingnan kung sino yung bigla na lang bumagsak.


Nakita ko si Jc na nakapikit at amoy alak. Talagang sinulit niya ngayong araw ang pag iinom ng mag isa ah.


Bumangon na ako sa aking pag kakahiga at kumuha ng damit sa bag na dala namin para maligo.


John Caleb's POV

Pumasok na ako sa kwarto namin at agad kong bingsak ang aking katawan sa kama.


Maya maya pa ay naramdaman kong bumangon si Jhean sa kanyang pag kakahiga.


Minulat ko ang isa kong mata para tingnan kung ano ang gagawin niya.


Nakita kong kumuha siya ng damit sa bag niya kaya sa tingin ko ay maliligo siya kaya muli kong pinikit ang aking mata.

I'm Married to a MillionaireWhere stories live. Discover now