8: THE GIRLS ARE BACK

13K 241 12
                                    


^Kelliah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Kelliah

****

Chapter 8 — The Girls are Back


Jazz's Point Of View

"Mics, mukhang siya nga." bulong ni Hanz sa kuya ni Mayka.

"Pero... imposible naman yon..." bulong pabalik ng kuya ni Mayka at umiling. I'm actually relieved that no one recognized us, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-irap. Ang tanga talaga.

"So you think amalayer?" mataray na tanong ni Hanz tsaka tumawa ng mahina. Bakit ang hot ng chuckle niya?

"Tumahimik ka nga, ang epal mo." umirap pa yung kuya niyang si Mico at tsaka bumaling ulit kay Mayka. "Ikaw ba talaga yan, Mayk? Baka niloloko mo lang ako ha?" paninigurado niya. Tanga ba talaga siya o nagtatangahan lang? Baka virus na yun ng pilipinas?

Bakas sa mukha ni Mayka ang pagkairita sa kuya niya. "Umupo nga muna kayo. Nakakahilo."

"Ano na?" naiinip na tanong ng kuya niya nang makaupo sa tabi ni Hanz.

Naalala kong may binanggit siya sa akin noon na tatlo silang magkakapatid at meron siyang younger sister, na nasa elementary, at kuya na hindi ko kailanman nakita kahit sa picture lang. Hindi niya naman kasi pinapakilala at hindi rin masyadong nagtagpo ang landas namin. Kahit nung Grade 11 ako dito sa Xaris ay wala akong ibang nakilalang 'Fuertes'.

What I didn't know, narinig na pala niya akong kumanta, at narinig ko na siyang kumanta.

"Hindi ka ba naniniwala?" Nagkrus ang mga braso ni Mayka habang kinakausap ang kapatid.

"I don—I mean, I'm not really sure. Hindi naman kasi mahilig sa makeup ang kapatid ko. Medyo matagal na rin nung huli ko siyang nakita at nakausap kaya hindi ko masyadong matandaan ang itsura niya." paliwanag ng kuya niya at nagkamot ng batok.

Bumuntong hininga si Mayka at umiling pa na parang siya na ang may pinakamaraming problema sa mundo.

"Ewan ko sayong bakla ka." Kanina niya pa inaasar ang kapatid niya pero ngayon ko lang napansin. Bakit tinatawag niyang bakla ang gwapo at hot niyang kapatid?

Cause a matter of fact, tindig niya pa lang, obvious na talaga ang pagka-manly niya. Mula sa sharp jawline, sa adam's apple, sa tangos ng ilong at lahat na. At kahit balot na balot ang lalaking to, kita ng mata kong mala-x-ray ang abs niya, pati na rin ang well-defined niyang biceps. Fit kasi ang suit niya.

At hindi naman ako bobo para hindi mahalatang nakilala na niya ang kapatid niya. Inaasar niya lang ang napipikong si Mayka.

"Ikaw ba talaga ang kapatid ko?"

"Gusto mong isa-isahin ko pa ang mga sekreto mo? Oh sige, game." Aniya. "May malaking nunal jan malapit sa pwet mo. Lumubo pa nga yung sipon mo nung nag-usap kayo ng crush mo nung grade school ka pa lang. Natapunan kita ng ice cream sa ulo mo noon, tsaka NGSB k—"

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon