Sixtieth One

786 40 0
                                    


Sixtieth One

Maaga akong nagising. Tumingin ako sa pictura frame na nasa tabi ko. Napangiti ako.

"This is it!"

Bumangon ako at agad na naligo. Nagsuot muna ako ng robe. Bigla namang may kumatok sa kwarto ko. Si Mommy. May kasama itong mga maid.

"Anak, nandito na yung susuotin mo. Ang ganda ng pagkaka design ni Julie."

Napangiti ako. "Magaling po talaga siya."

"Oo naman. Mag prepare ka na kasi darating na yung make up artist mo."

"Kayo po ba Mommy?"

"Maaga dumating yung mga make up artist ng mga kapatid mo. Alam mo naman na may sari sarili silang make up artist. Wala pa naman yung sayo so ipapadala ko nalang dito yung breakfast mo."

"Thank you Mommy."

"Your welcome, Son. Kung may kailangan ka sabihan mo ko kaagad. And wag ka na mag alala sa church kasi maayos na lahat doon. Tinatawagan ni Daddy mo palagi. Nagpadagdag siya ng securities. Alam mo naman siya.."

Natawa ako. "Nasabi nga po niya sakin. Anyway, Mommy? Pwede ko naman tawagan si Julie diba po?"

"May alam ka pala sa mga pamahiin? Haha. Okay lang naman, son. Pero sandali lang ah? Kasi maya maya nandyan na yung make up artist mo. Tinawagan ko na din yung mga hired make up artist ni Julie at ng family niya. Okay na, nandun na daw sila."

"Okay po."

Lumabas na muna si Mommy. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Sumagot naman siya kaagad sakin.

"Hi Yam!"

"Hey Yam!"

Halos hindi ako makapag salita. Nakangiti lang kasi ako dahil finally, finally ikakasal na kami ni Julie.

"Yam? Nandyan ka pa ba?"

"Ohh. Yes, Yam. Ang saya ko lang kasi."

"Ako din Yam. Ang saya saya ko. Kasi kinakabahan ako. Sisimulan na nila ako ayusan. Baka naman hindi ako maging maganda."

"Yam, ikaw ang pinaka maganda. Fairytale nga ang wedding natin diba? I'll be your prince charming and you my lady is my princess. I'll be waiting you in the altar."

"Yes Yam. See you later. Wait for me ah?"

"I will."

Binaba na namin ang tawag. Kinuha ko ang box na naglalaman ng susuotin ko. Napangiti ako. Nagbihis ako ng pambahay. Wala pa naman ang make up artist ko. Bumaba ako at nakita ko na busy sila. Walang nakapansin sakin na nakaalis ako. Gamit ko ang motor ng driver namin. Hiniram ko muna. Ilang sandali pa nakarating na ko sa bahay niya. Tumingin ako sa labas ng bahay nila. Ang daming labas pasok na tao doon. Malamang mga nag aayos sakanila. Pumunta ako sa may tapat ng kwarto niya. Umakyat ako. Nakita ko siya na naka robe lang at pinapatuyo ang buhok.

"Yam! Yam!"

Kumatok ako sa pinto ng veranda niya.

"Yam?"

Nagulat siya. Niyakap ko siya kaagad ng buksan niya ito.

"Yam? Anong ginagawa mo dito? Diba dapat aayusan ka na din? Nasa ibaba na ang make up artist ko."

"Wala pa yung akin, paparating palang. Tska konting make up lang naman ang gagawin nila sakin."

"So anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti ako. "Gusto lang kitang makita. Hindi ako makapag hintay eh."

Natawa naman siya. "Mabuti at hindi pa ko ayos dahil baka nakita mo na ko at hindi ka na ma surprise mamaya."

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon