Finale

1.5K 45 4
                                    


Finale

"We're here."

Napatingin siya sa bahay na binili ko para samin. Tapos na kasi ang reception at naisipan na namin umuwi. Bukas pa kasi ng tanghali ang flight namin papunta sa Paris. Doon kasi namin napili na mag honeymoon.

"Oops. Wait lang."

Lumabas ako sa kotse at pinagbuksan siya. Nang nasa tapat na kami ng pinto..

"Yam!"

"Don't worry hindi ka mahuhulog. Nandito naman ako eh. Hindi kita hahayaang masaktan."

"B..Bakit mo ba kasi ako kailangan pang buhatin? Kaya ko pa naman maglakad."

Nginitian ko siya. "Tradition."

Ngiti nalang ang sinagot niya sakin. Buhay buhay ko siya hanggang sa makarating kami sa loob ng kwarto. May mga rose petals paligid ng kwarto pati sa kama. Sino ang may gawa nito? Binaba ko siya at napatigil kami ng kaunti sa nakita namin. Bed.

"Uhm..shower lang muna ko."

Tumango ako. "P..Punta muna ko sandali sa kabilang kwarto, may nakalimutan kasi akong tawagan about sa flight natin bukas."

"Ah..okay. Sige."

Lumabas muna ko sa kwarto. Huminga ako ng malalim bago pumunta sa entertainment room. Kinuha ko ang telephone at agad na tinawagan si Sef.

"Oh? Napatawag ka?"

"S..Sef!"

"Oh ano?"

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin o hindi.

"Sef, bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko naman ito nararamdaman dati eh. Ngayon lang. Baka kasi siguro mag asawa na kami?"

"Ano? Leche ka Moe! Ano ba sinasabi mo?"

"M..Magtatabi kasi kami sa kama ni Julie."

"Malamang mag asawa na kayo eh. Siguro naman hindi ito ang first time na makakatabi mo si Julie?"

"H..Hindi nga kaso.."

"Kaso?"

Sasagot na sana ako ng biglang tumawa si Sef sa kabilang linya.

"Wait! Wait! Alam ko na! Kasi magtatabi kayo ni Julie at hindi lang basta tulog ang gagawin niyo noh? Kaya ka kinakabahan?"

Napailing nalang ako. Mukha kasing nagkamali ako ng taong tinawagan.

"Uii. Hindi nakapagsalita! Totoo noh? Hahaha!"

"Tss. Baliw ka na Sef!"

"Sus. Pero Moe, wag kang kabahan. Okay lang yan kasi kasal na kayo eh. Legal ng may mangyari sainyo."

Namula naman ako. "Sef!"

"Ano? Totoo naman ang sinasabi ko. Anyway, just go with the flow lang. Ganito, kumuha ka ng wine sa kitchen, uminom ka pampatanggal ng kaba."

Napabuntong hininga ako.

"Oo na."

"Haha. Galingan mo Moe! Ninong ako ah?"

"Loko!"

Ibababa ko na sana ng magsalita ulit si Sef.

"Elmo!"

"Oh?"

"Fresh pa yang si Julie mo, dahan dahan lang."

"Gago ka Sef! Sira ulo!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon