Thirty-First One

1.6K 61 0
                                    

Thirty-first One


"Besh? Besh? BESH!" 


Napatingin ako kay Carly. Kakatapos lang ng exam. 


"Nakatulala ka ah? Wala pang isang araw sobrang miss mo na siya?" 


Napabuntong hininga lang ako. 


"Nakakamiss naman talaga siya." 


"Haynaku! Alam mo mapapagod lang si Elmo dahil kanina pa siya tumatakbo dyan sa isip mo. Pagpahingahin mo naman! At speaking of pahinga.." 


Tinayo niya ko. 


"Aalis tayo!" 


"At san naman tayo pupunta?" 


Sinamaan niya ko ng tingin. 


"Sa mall! Mag shopping tayo. Tumingin tingin na din tayo ng susuotin natin sa graduation ball!" 


Napatawa nalang ako. "Alam mo kung hindi lang talaga fairytale ang theme? Kahit anong dress nalang ang isusuot ko. Eh daig pa ata natin ang mag prom." 


"Wag ka nga. Tska high school pa yun noh. Tagal na din. Isipin nalang natin na prom toh para mas exciting! Tska para kahit papaano mabawasan yang pag-iisip mo kay Elmo. Dali na besh. Kakatapos lang ng exam oh. Bukas sure akong magiging busy tayo." 


"Sige na nga." 


"So tara!" 


Bigla akong may naalala. Pinigilan ko siya. 


"Wait, besh. Susunduin kasi ako ng driver ni Elmo eh. Utos kasi ni Elmo na ihatid at sunduin ako." 


"Hmm. Edi sabihin natin na sumama siya mall." 


"Besh, nakakahiya." 


"Bakit naman? Ikaw talaga! Magiging asawa ka na ni Elmo ganyan ka pa? Lika na nga ako magsasabi." 


Pumunta na kami sa parking lot. Bago pa kami makalabas nakita namin si Mitch. 


"Ohh..nandito pala ang oh so famous Julie Anne San Jose." 


Tinaasan ko siya ng kilay. 


"And so?" 


Natawa naman si Carly. "Biruin mo yun? Nandito din ang oh so malanding bitch ng campus." 


"Tigilan mo ko, Carly." Sabi ni Mitch.


Love at First SightWhere stories live. Discover now