Forty-Fourth One

1.1K 64 6
                                    

Forty-Fourth One 


Maaga akong nagising dahil sa maaga ako pinapagising ni Mommy. Aalamin daw niya kung anong gustong pagkain nila Mama Marivic af Papa Jonathan. Ipagluluto niya kasi ito at gagawan ng dessert. 


"Mom?" 


Pumunta ako sa kusina. Alam ko kasi na nandun siya. 


"Hey Son. Halika na dito at sabihin mo sakin ang gusto ng parents ni Julie." 


"Mom, actually hindi ko po alam kung anong gusto nila. Hindi ko na din naman po natanong si Julie kasi pagod na din po yun kahapon." 


"Naku naman anak. Sana tinanong mo man lang siya para alam ko ang dadalhin natin." 


Napangiti naman ako. "Mom, bumili nalang tayo, okay?" 


"Ha? Bakit tayo bibili? Nakakahiya naman sa parents niya." 


"Mom, may resto ako diba? Magpapaluto nalang ako ng specialty sa El Grande then yun nalang ang dadalhin natin. Magluluto din naman sila and baka dumami pa ang food natin. Okay na ang one dish and one dessert." 


"What? Eh ano nalang ang gagawin namin?" 


Inakbayan ko si Mommy. 


"Diba sabi mo sakin kagabi bibilhan mo ng graduation gift si Julie?" 


"Hala! Oo nga pala! Teka, tatawagin ko na ang mga kapatid mo. Bibilhan din daw kasi nila si Julie ng regalo." 


Umalis na si Mommy. Napapailing nalang ako. Mas excited pa sila sa mangyayari mamaya. Excited din naman ako pero dapat chill lang. Kumuha ako ng tinapay sa mesa then newspaper. Naglalad ako ng makita ko si Clara. 


"Baby?" 


Napatingin siya sakin. "Good morning Kuya!" 


Niyakap naman niya ko. Hinalikan ko siya sa ulo. 


"Anong ginagawa mo?" 


"Uhm..painting?" 


Napangiti naman ako. "Si Ate Julie mo yan ah? San ka nakakuha ng picture niya?" 


"Instagram mo." 


"Nice. Ibibigay mo ba sakanya yan mamaya?" 


Tumango naman siya. "Yes Kuya." 


"Good." 


Masasabi ko na si Clara ang girl version ko. Yung ibang qualities na meron ako, meron din siya. Pareho kami. Pinanuod ko lang siya mag paint ng bumaba sila Mom kasama na ang mga kapatid ko. 

Love at First SightWhere stories live. Discover now