Thirty-Seventh One

1.3K 59 1
                                    

Thirty-Seventh One


Magkatabi kami ni Elmo ngayon. Kung kanina nasa Jollibee kami ngayon naman nasa starbucks kami. Nag-aya kasi sila Mitch dito. Yes, si Mitch. Pinsan pala siya nung taong gustong mag franchise ng resto ni Elmo. Kanina ko pa napapansin na nakikipag flirt sila kay Elmo. Naiinis na ko. 


"So Elmo, matagal na kayo ni Julie?" 


"Mag one month palang." 


Nanlaki naman ang mata ni Janina. 


"And yet, magpapakasal na kayo? Buntis ba siya?" 


Tumingin sakin si Elmo. "Nope, she's not yet pregnant but definitely someday." 


"Ang ganda mo Julie, palagi kang naikukwento sakin ni Mitch." 


Napakunot noo naman ako. 


"Oh yes. She's very pretty. Siya nga ang nanalo sa graduation ball eh. Queen of the night." Sabi ni Mitch. 


Oh yeah. Napaka sarcastic lang ng dating. Nice one Mitch.


"Maganda ka din naman nung gabing yun Mitch. Sayang hindi ikaw ang nanalo." Sabi ko. 


Nakita ko na napataas ang kilay niya. Siniko naman siya ni Janina at binaling ang attention kay Elmo. 


"Kelan ang kasal?" 


"Iseset palang namin. Busy kasi kaming dalawa kaya hindi namin masyadong naaasikaso. Maybe after graduation niya mahabang preparations ang gagawin." Sagot ni Elmo. 


Tumango naman si Janina. 


"Oh well, madami pang oras baka magbago pa ang isip niyo." 


Anong gusto niyang palabasin? Na magbabago ang isip namin ni Elmo at hindi nalang itutuloy ang pagpapakasal? 


"Don't worry hindi kami hahantong sa ganung bagay." 


Si Mitch naman.


"Julie, kamusta naman kayo ni Kyle?" 


"Okay naman." Tipid ng sagot ko.


"Talaga? Just so you know, nililigawan niya ako. Finally. Meant to be talaga kami para sa isa't isa." 


Gusto talaga ng mga haliparot na toh ng laban ah? 


"Talaga? Good for you. Kita mo nga naman, napaka eco-friendly mo pala?" 


"What?" 

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon