Fifty-Fourth One

859 48 3
                                    


Fifty-fourth One

Hinatid ko muna si Julie sa location ng bridal shower niya. Gusto ko sana ihatid siya hanggang sa loob pero pinigilan ako nila Carly. No boys allowed daw. Hinayaan ko nalang. May tiwala naman ako sakanila. Ilang sandali palang at nakita ko si Sef na naghihintay sa isang private ba na pagmamay ari ni Enrique. Bumaba ako sa kotse.

"Akala ko hindi ka sisipot!"

Napailing ako. "Kung pwede lang sana eh."

"Tss. Saan ka ba galing?"

"Hinatid ko si Julie sa location ng bridal shower niya."

"Ano ba yan! Clingy mo ha! Tara na nga sa loob. Kanina ka pa nila hinihintay."

Pagkapasok ko sa loob nakita ko ang mga classmate ko nung college. Nandito silang lahat. Pati mga kapatid ko. At ang pinaka nakakagulat ay ang makita ko si Papa Jonathan kasama si Daddy na umiinom ng wine. Kumaway naman ako sakanila bago lumapit sa sa Daddy ko at kay Papa.

"Dad..Papa?"

Ngumiti sakin si Daddy. "Enjoy lang anak."

Tumingin ako kay Papa. "Oo nga Elmo. Wag mong isipin na binabatayan kita. Haha. Okay lang naman sakin ang mga ganitong bagay. Tska wala din naman sila Mama mo sa bahay."

"Salamat po. Sabi ko nga po na ayoko na ng ganito eh."

"Ano ka ba son! Kailangan yan. Haha. Sige na, mag enjoy ka na."

"Sige po. Papa?"

"Sige lang, wag mo kaming isipin dito. Mag enjoy ka kasama ang mga kaibigan mo. Wag ka masyadong iinom baka malasing ka."

Tumango naman ako. Nakipag sabayan nalang ako sa mga classmates ko noon. Kwento dito at kwento doon. Nagkantahan din kami. Nagkaroon din ng slide show nung bata pa ko. Ang agang throwback naman nito kaya walang humpay ang tawanan. Maya maya namatay ang ilaw. Nagkaroon ng Spotlight at tumapat sa isang tao na kakalabas lang galing sa CR.

"Oh no!"

May babaeng nagsasayaw. Sexy dance. Careless whisper pa ang kanta. Tinulak ako ng mga kaibigan ko papalapit sakanya. Nakita ko si Dad at Papa na tawa lang ng tawa. Hala. Hindi ba magagalit si Papa dahil may nagsasayaw na babae dito? Baka sabihin pa na lumalandi ako.

"Woah."

Napabalik ako sa pag-iisip ko ng hinawakan ako ng babae sa braso ko. Hindi ko masyadong makita ang mata niya. Umaatras ako pero pilit niya kong hinihila sakanya.

"Uhm, Miss, mahal ko kasi ang magiging asawa ko. Yung iba ko nalang na kaibigan."

Bigla siyang huminto. Humarap siya sakin at sinigawan ako.

"Ano ba yan tol! Hirap na hirap ako sa pagsasayaw sa harap mo tapos ibibigay mo ko sa iba! Ibang klase ka! Dun ka nga kay Julie!"

Nanlaki ang mata ko. Si Sef ba ito? Tiningnan ko siya maiigi. Oo! Si Sef nga.

"Sef?"

"Ewan ko sayo!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumawa na ko ng tumawa. Kaya pala nawala siya. Kinunan naman siya ng maraming litrato ng mga kaibigan ko. Maya maya napagod na ko sa kakatawa kaya pumunta ako sa table kung nasaan sila Daddy.

"Kamusta? Nag eenjoy ka ba?"

"Yes naman po Dad."

"Good."

Tumayo muna si Dad. "Teka lang bigayan na ng regalo. Kukunin ko lang yung akin sa loob ng sasakyan."

Umalis muna si Daddy. Naiwan kami ni Papa Jonathan.

Love at First SightWhere stories live. Discover now