Forty-First One

1.1K 62 8
                                    

Forty-First One


Natapos ang graduation. Nag-iyakan ang mga students. Nagpasalamat sa professors at picture taking ang ginawa. Sayang. Akala ko pa naman makakasama si Moe. May limited guest ka lang pala na pwedenf dalhin. 


"Julieeeeee!" 


"Besh!" 


Niyakap naman niya ako kaagad. 


"I'm so proud of you. Ang ganda ng speech natin ah? Sa speech mo palang para mo na din pinatamaan ang mga haliparot na taong nang-aaway sayo." 


"Baliw ka talaga." 


"Pero gusto ko yung bandang dulo ng speech mo. Pinakita mo sa lahat kung gaano mo kamahal si Elmo." 


Napangiti naman ako. 


"Julie.." 


Tumalikod ako at nakita ko si Kyle. May dala siyang bulaklak. 


"For you.." 


Nakatingin lang ako sa bulaklak na inabot niya. Hindi ko pa ito kinukuha. 


"Congratulations." 


Siniko naman ako ni Carly. 


"Thanks Kyle pero hindi ko na kailangan pa ng bulaklak. Ibigay mo nalang yan sa iba. Kay Mitch." 


"pero.." 


Huminga ako ng malalim bago magsalita. 


"Kyle, marami ng nagbago satin at kahit ano pang gawin mo hindi mo na maibabalik ang nakaraan. May Elmo na ko ngayon. Siya ang mahal ko. Please, wag mong guluhin ang isip ko." 


"Julie.." 


"Aaminin ko sayo, ang nararamdaman ko ngayon ay parang katulad sa mga pelikula. Kapag nagbibigay ng meaning yung Ex parang biglang nagbabalik din ang feelings nung girl para sa Ex niya. Naramdaman ko yun sa clinic. Yung time na hinalikan mo ang noo ko. Pero Kyle, naisip ko na iba ako. Kahit pa naramdaman ko yun, yung feelings ko para sayo, wala na." 


"Hindi na ba talaga natin pwedeng ibalik? Magsimula tayo ulit. Julie, mahal parin kita." 


"Mahal mo ko?" 


Tumango siya. 


"Mahal ko si Elmo." 


Nakita ko na nalungkot ang mga mata niya. 


"Mahal ko si Elmo. Narinig mo naman ang speech ko diba? May gusto pa akong ma-achieve sa buhay. Like, pagiging asawa ni Elmo." 

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon