Twenty-second One

1.7K 61 3
                                    

Twenty-second One

Sabado. Ito na ang araw na makikilala ko ang mga kapatid ni Julie. Papunta na ako ngayon sa condo niya para sunduin siya. Hanggang langit pa din ang ngiti ko kasi hindi ako maka get over sa ginawa niya kahapon. Ang sweet lang ng Julie ko.

"Good morning, Yam!"

Bungad ko sakanya. 5am palang kaya nakita ko na inaantok pa siya. Nakabihis na din siya.

"Good morning din Yam. Kumain ka na?"

Umiling ako. Inalalayan ko siya papunta sa sofa. Sinandal naman niga agad ang ulo niya sa balikat ko.

"Still sleepy?"

Tumango naman siya. Niyakap niya ko.

"Alis tayo after 5 min." Inaantok niyang sabi.

"Okay, uhmm, Yam? Nasaan si Carly? Hindi ba siya sasama?"

Umiling naman siya. "Uuwi siya sa parents niya ngayon. May outing din ang family nila."

"Ganun ba? Sayang naman."

"Yeah.."

"Yam? Sa kotse ka nalang kaya matulog para tuloy tuloy ang tulog mo."

Minulat naman niya ang kanyang mata.

"Okay Yam."

Kinuha ko agad ang gamit ni Julie sa kwarto niya. Kita ko na inaantok talaga siya kaya ako na ang nag-asikaso ng mga kakailanganin. Nasa elevator na kami ngayon. Hawak ko ang bewang niya para hindi siya matumba. Nakasandal naman ang ulo niya sa balikat ko.

"Sir!"

Agad akong tinulungan ng driver ko. Iba ang kotse ma gamit ko ngayong araw. Van siya na kumpleto sa loob. May CR,kama,kusina,tv at kung ano ano pa. Ngayon ko palang din ito gagamitin simula nung binili ko ito.

"Pakipasok nalang yan."

"Yes Sir." Pinagbuksan niya kami ng pinto.

"Thank you."

Agad kong nilapag si Julie sa kama. Wala siya sakanyang sarili kaya hindi niya napansin ang kotse na gamit ko.

"Subic na tayo."

"Yes Sir."

Tumabi muna ko kay Julie. Inaantok din kasi ako. Agad naman siyang yumakap sakin. Kinumutan ko naman siya. Pareho kaming nakatulog na dalawa. Matapos ang dalawang oras, nagising ako sa tunog ng cellphone. Minulat ko ang mata ko.

"Cellphone ko ba yun?"

Tiningnan ko ang cellphone ko. Hindi naman yun ang tumutunog. Tiningnan ko si Julie. Nakita ko na may umiilaw sa pants niya. Kinuha ko naman yun sa bulsa niya. Tumatawag ang Papa niya.

"Hello?"

"Elmo? Ikaw ba yan? Si Julie nasaan?"

"Uhm, Hello po, Papa. Nandito po kami sa kotse papunta na dyan. Natutulog po si Julie eh."

"Ahh ganun ba? Ok sige. Pakisabi nalang sakanya na malapit na kami."

"Okay po."

Binaba ko na ang tawag. Tumingin ako sa bintana at may nakikita na kong dagat. Malapit na pala kami. Ginising ko na si Julie.

"Yam? Yam, wake up na."

"Hmm.."

Napangiti ako. Ang cute kasi niya.

"Yam, gising ka na po mahal ko."

Bigla naman siyang nag pout. Nagpapakiss. Swerte ko naman.

"Kish muna.."

Love at First SightWhere stories live. Discover now