Twenty-Fifth One

1.5K 68 2
                                    

Twentyfifth One

Nakaupo kami ngayon ni Elmo dito sa may tabing dagat. Hindi pa din ako makaget over sa ginawa niyang pagkanta at fireworks display kanina. My Elmo is the sweetest.

"Yam? Nakapag-usap ba kayo?"

"Hmm. Yes."

"Anong nangyari?"

Tumingin siya sakin. "Pinatawad ko na siya, Yam."

"Talaga? Mabuti naman kung ganun."

"Niyaya nga niya tayo dumalo sa kasal nila ni Enrique."

Ngumiti ako. "Okay lang naman, Yam."

"Sige, sabi mo eh. Uhm, gusto ko nga pala niya makilala."

"Ha? Ako? Bakit?"

"Hindi ko din alam. Siguro gusto niyang makilala ang babaeng kinakabaliwan ko ngayon. Ang babaeng nagturo sakin ng maraming bagay kahit hindi pa kami ganun katagal. Siguro gusto niyang makilala ang babaeng ihaharap ko sa altar."

Umiwas ako ng tingin sakanya. Ayokong makita niyang namumula ako. Kinikilig kasi ako sa mga ganyan niya eh.

"Namumula ka."

Napatingin ako sakanya.

"Paano mo naman nasabi eh gabi na."

"Halata naman."

Tumingin siya sa dagat. Hindi na ko sumagot pa. Tinitigan ko nalang siya. Ang gwapo kasi talaga ni Elmo. Sobrang nakakainlove.

"May pangako ako sayo."

Napakunot noo naman ako.

"Ano naman yun?"

"Pangako ko sayo na araw araw kang maiinlove sakin."

"Ha..?"

Tumingin siya sa mata ko.

"I'll make you fall in love with me every single day."

Ngumiti ako. "Everyday?"

Tumango naman siya. "Everyday."

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Inaantok na ko pero ayoko pang matulog. Masyado akong masaya na gusto ko lang titigan at makasama si Elmo.

"Inaantok ka na?"

"Ayoko pang matulog. Ikaw ba?"

"Hindi pa naman. Anong gusto mong gawin?"

Tumingin ako sakanya. "Ang makasama ka."

Natawa naman siya. "Ikaw talaga. Yung seryoso kasi."

"Seryoso naman yun."

Ngumiti siya sakin. Tumayo siya at bigla niya kong binuhat.

"Moe! Gosh!"

"Punta na tayo sa room?"

"Ha? Ba..bakit?"

Ngumisi siya. "Sabi mo gusto mo kong makasama? Tara! Mag solo tayo sa kwarto."

At dali dali kaming pumasok sa kwarto. Dahan dahan pa nga siya kasi baka magising sila Papa. Hiniga niya ko sa kama. Nakatingin lang ako sa mata niya.

"Elmo.."

Ngumiti siya. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napapikit ako. Inaantay ko ang labi niya pero naramdaman ko yun sa noo ko.

"Goodnight Yam."

Dinilat ko ang mata ko at nakita ko siya na nakatagilid na sakin.

"Akala ko ba hindi ka pa inaantok?"

Love at First SightWhere stories live. Discover now