Fifty-Eight One

920 46 1
                                    


Fifty-Eight One

Maganda ang gising ko lalo na at kasama ko ngayon ang taong nagbibigay ng kulay sa buhay ko. Tiningnan ko siya. Ang sarap niyang titigan matulog. Pumunta ako sa ibaba para makapag handa ng breakfast namin. Nagluluto ako ng biglang may tumawag sakin.

"Hello?"

"Son!"

"Yes, Dad?"

"Nasaan ka na? Bonding with the family ka ngayong araw before your big day."

Natawa naman ako. "Yes, Dad. Nandito pa po kasama ko pa si Julie. Maya maya uuwi na din po kami. Kakain lang kami ng breakfast. By the way, Dad? Maayos na po ba lahat para po bukas?"

"Yes, son. Maayos na maayos na. Nagpadagdag ako ng mga securities doon."

"Ikaw talaga, Dad. Akala mo naman kung sino ang ikakasal."

"Anak ko. Anak ko ang ikakasal."

Napangiti nalang ako.

"Bilisan mo na dyan okay? Diba sabi nga ng matatanda bawal makita ng groom ang bride bago ikasal kasi baka hindi matuloy."

"Dad, matutuloy ang kasal namin."

"Oo naman. Papatayin ko kung sino man ang hahadlang."

"Ikaw talaga, Dad. Sige na po."

"Okay. Mag iingat ka."

"Opo."

Pagkatapos ng tawag nakarinig ako ng pag-iyak. Napatingin ako sa taas. Agad akong napatakbo at nakita ko si Julie na iyak ng iyak. Nilapitan ko kaagad siya.

"Yam? Anong nangyari?"

Tumingala siya sakin. Niyakap niya ko kaagad. Humihikbi siya.

"Yam.."

"Y..Yam..nanaginip ako..nanaginip ako na umayaw ka sa kasal natin..na...na ayaw mo ng ituloy ang kasal natin.."

Nanlaki naman ang mata ko. Nilayo ko siya ng kaunti sakin.

"Yam, panaginip lang yun. Hindi totoo yun. Matagal kong hinintay na dumating ang araw na ito tapos ititigil ko? Hindi yun maaari, Yam."

Nakatingin lang siya sakin. Kita ko sa mata niya ang takot. Hinaplos ko ang pisngi niya. Pinunasan ang bawat luhang pumapatak sa mata niya.

"Wag ka ng matakot. Matutuloy ang kasal natin."

"Yam.."

"Shhh. Nandito lang ako. Pangako ko sayo na bukas, makikita mo ko sa simbahan habang naghihintay sa dulo ng altar."

Tumango naman siya. Hinalikan ko siya sa noo. Pagkatapos nun ay binuhat ko siya papunta sa kusina. Nilapag ko siya sa may sofa doon. May maliit na mesa doon. Nilagyan ko ng pagkain ang isang plato at inabot sakanya.

"Kumain ka na, Yam."

Tumango lang siya. Siguro hindi pa din niya nakakalimutan yung napaniginipan niya. Nag ayos na kami para makabalik na kami sa bahay. Tahimik parin si Julie habang nakasakay kami sa helicopter.

"Yam.."

Napatingin sakin si Julie.

"I love you."

Nakita ko ang pag-alala sa mukha niya. Nginitian ko siya.

"Dream lang yun. I'm real. Hindi kita iiwan. Hindi ako aatras sa kasal natin. Hindi mo kailangan matakot."

"Sabi kasi ng iba, ganito kapag ikakasal na. Maraming pwedeng mangyari, Yam. Hindi natin alam na baka sa paghihiwalay natin mamaya may kung anong mangyari. Baka hindi matuloy.."

Love at First SightWhere stories live. Discover now