Fifty-First One

791 39 0
                                    


Fifty-First One

Maaga palang nagising na ko. Ang sarap ng tulog ko. Napatingin ako sa hinihigaan ko. Si Elmo. Napangiti ako. Dito na pala siya nakatulog. Napatingin ako sa may paanan niya. Nakasuot pa siya ng sapatos. Ang tangkad naman kasi niya kaya halos lampas na ang paa niya sa higaan ko.

"Good morning, Yam."

Hinalikan ko siya sa pisngi. Mabuti nalang at mahimbing ang tulog niya. Hindi ko siya nagising. Tumayo ako at tinanggal ang sapatos niya. Bigla siyang gumalaw at niyakap ang unan na katabi niya. Pagod na pagod siguro siya. Pumasok ako sa banyo. Naligo muna ko. Nang matapos ako nakita ko siya na gising na.

"Good morning Handsome."

"Good morning beautiful lady. Bakit ang aga mong nagising?"

Tumabi naman ako sakanya. Bihis na ko wag kayong mag-alala.

"Hmm. Wala lang. Maaga lang talaga ako nagising. Kukunin na pala yung gamit ko dito. Sa bahay na kasi ulit ako titira."

"Ha? Bakit? Paano si Carly?"

"Napag-usapan na namin ni Carly yun. Uuwi na din kasi siya. Tska sabi ni Papa kailangan nasa bahay na ko para naman daw makapag focus kami sa paghahanda sa kasal natin and siguro para makasama pa ako. Kasi alam mo naman kapag mag-asawa na tayo, hihiwalay na ko sakanila."

Napangiti naman siya. Kinuha niya ang kamay ko.

"Wag kang mag-alala. Every weekend pupuntahan natin sila."

"Talaga?"

Tumango naman si Elmo.

"Yes. Tapos mag travel tayo kasama sila. Masaya yun diba? Pero bago ang lahat kailangan ang misis ko muna ang mapasaya ko."

Ang sarap naman pakinggan nun. Misis niya. Mas naatat tuloy akong makasal sakanya.

"May lakad ka ba today?"

Kinuha naman niya ang cellphone niya.

"Hmm. Pinapauwi lang ako ni Mommy. Siguro, aasikasuhin yung iba pang mga kakailanganin sa kasal. Alam mo naman sila kapag pinagsama sama mo ang mga kapatid kong babae, mas atat pa yun kesa sakin."

Natawa naman ako. "Goodluck naman sayo, Yam. Teka, kamusta na kaya yung dalawa sa labas?"

"Baka nakatulog na yun. Ayoko talaga sa plano nila eh. Ayokong may stag party. Hindi ko gusto. Mas gusto ko pang matulog nalang o kaya naman kumain ng sushi sa labas."

"Ikaw talaga. Mahalaga yun para sa mga ikakasal. Bibitawan mo na ang pagka binata mo."

"And so? Gusto ko naman na talagang bitawan lalo na kung ikaw naman ang papakasalan ko."

Napailing nalang ako habang nakangiti. Sobrang nakakakilig itong lalaking toh.

"Maligo ka na nga, Yam."

Pinatayo mo siya at tinulak sa loob ng banyo.

"Kinikilig ka lang eh."

Natawa naman ako. "Oo na. Kinikilig na kung kinikilig. Maligo ka na at maghahanda lang ako ng breakfast."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Pumasok na ko sa loob at nakita ko si Carly at Maqui na magkatabi sa sofa na natutulog. Natawa nalang ako sakanila. Pumunta ako sa kitchen at nagsimulang magluto.

"Hmm..ang bango naman niyan."

Napatingin ako sa nagsalita.

"Gising ka na pala. Kamusta ang tulog?"

Umupo si Maqui sa may upuan dun.

"Hmm. Ayos naman. Napuyat kami kakaisip tungkol sa bridal shower at stag party niyo. Bakit na ayaw niyo?"

"Ayaw lang namin pero ewan. Bahala na. Hindi naman dapat minamadali yan eh. Wag naman ngayong araw."

Naglagay ako ng hotdog at bacon sa plato.

"Teka, tulungan kita. May coffee na ba?"

"Wala pa kong nagagawa."

"Sige, ako nalang."

Tumayo naman siya at ginawa ang mga kape.

"Si bestfriend nasaan?"

"Si Elmo? Naliligo. Eh si Carly nasaan?"

"Ayun borlogs pa. Antok na antok ang loka."

Natawa naman kaming pareho.

"Anong nangyayari dito at bakit kayo nagtatawanan?"

Biglang may yumakap sakin. Hinalikan ko naman siya sa pisngi.

"Bango bango. Tara kain na tayo?"

Tumango naman siya. Kumuha siya ng juice sa ref.

"Tulog na tulog si Carly ah? Gisingin na ba natin?"

"Naku wag. Kapag puyat siya at ginising niyo yan naku, magwawala yan. Hayaan niyo muna siyang matulog."

"Okay."

At nagsimula na kaming kumain. Nasabi ni Elmo na kapag natapos siyang kumain aalis na kaagad siya dahil tumawag na sakanya ang Mommy niya.

"Ayaw mo na?"

"Busong na ko, Yam. Sige Yam, pasensya na at kailangan kong umalis kaagad. Si Mommy kasi."

"Naiintindihan ko. Sige na. Mag-iingat ka sa pag drive ah?"

Hinalikan niya ko sa labi.

"Yes Ma'am."

At umalis na siya. Napatingin naman sakin si Maqui.

"Why?"

Ngumisi siya sakin. "Julie, may itatanong sana ako sayo."

"Ano yun?"

"Nag sex na kayo ni Elmo?"

Halos mabulunan naman ako sa tanong niya.

"A..Ano yun?"

"Ang sabi ko nag sex na ba kayo ni Elmo? Ang blooming mo kasi eh."

"Ha? Hindi noh. Goodboy si Elmo. Kahit ilang beses na kaming nagkatabi sa kama, never namin ginawa ang bagay na yun."

Pakiramdam ko namumula na ang buong mukha at katawan ko ngayon. Nahihiya ako sa usapan namin.

"Ganun? Inlove ka lang talaga siguro. Pero mabuti at hindi niya hinihingi yun sayo?"

"Tulad ng sinabi ko, goodboy si Elmo."

"Mabuti naman kung ganun. Pero ang hina naman ni Elmo noh. Nakakatiis siya? Ang tapang."

Napailing nalang ako.

"Pero Julie, kung may mangyayari sainyo ni Elmo galingan mo ang performance mo ah?"

Nahampas ko naman si Maqui sa may braso niya.

"Ikaw! Kung ano anong iniisip mo."

Natawa naman siya. "Julie, kahit anong iwas mo, gagawin at gagawin niyo naman ni Elmo ang bagay na yun."

"Alam ko naman yun, Maqui. Pero kaya pa naman namin pigilan yun. Malapit naman na kaming ikasal eh. Gagawin na din naman namin yun."

"Sa honeymoon niyo pa gagawin? Ano ba yan! Mas maganda kung bago kayo ikasal nagawa niyo na para kapag kasal na kayo may little baby JuliElmoes na dito."

"Ikaw talaga, Maqui."

Tumingin ako sa ibang direksyon. Iniisip ang mga bagay na sinabi ni Maqui. Hindi naman namin kailangan madaliin ni Elmo ang mga bagay bagay diba? Pareho naming gusto na sa honeymoon na namin gawin ang bagay na yun.

Pareho nga ba talaga kami?

Pareho nga ba talaga kami o ako lang ang naniniwala na pareho kami? Paano kung gusto pala talaga ni Elmo pero hindi niya lang sinasabi sakin?

To be continued..


Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon