Twenty-fourth One

1.6K 64 6
                                    

Twentyfourth One

"Ayaw mo ba siyang kausapin?"

Napatingin naman ako kay Julie. Alam ko kanina pa niya ko pinagmamasdan simula nung sinabi ko sakanya na nagtext si Liza sakin. Umiling ako.

"Yam, ang araw na ito ay para sayo at sa pamilya mo. Hindi ako nagpunta dito para sakanya."

"Pero Yam naman.."

"Julie, please naman oh. Ayoko siyang pag-usapan. Tayo nalang muna, okay?"

Tumango siya at tumingin sa ibang direksyon. Alam kong nagtatampo siya pero ayoko naman talaga na kausapin si Liza ngayon. Nakita kong tumatakbo si Jac palapit sakin. Magpapaturo nanaman siyang lumangoy.

"Sama ka, Yam?"

Umiling lang siya. Tumayo siya at nagpunta kay Joanna na nag soundtrip. Napailing nalang ako. Dahil sa kagustuhan ni Liza na mag-usap kami pati tuloy kami ni Julie nadadamay. Ano bang gusto niya sakin?

"Kuya, maghuhuli pa ba tayo ng fish?"

"Uhm, bukas nalang ng umaga baby ah? Kasi nagdidilim na baka wala na tayong mahuli. Bukas ng morning promise. Gagawin natin lahat ng gusto mo."

Ngiting ngiti naman si Jac.

"Talaga Kuya? Yey!"

Napangiti nalang ako sa inaasal ni Jac. At least tanggap na nila ako ni Joanna. Tinitingan ko si Julie. Hindi man lang naligo. Pati siya tuloy nadadamay dito sa kagustuhan ni Liza na makausap ako.

"Kuya, punta muna ako kala Papa. Kumakain sila ng ice cream eh."

"Sure."

Umalis na muna si Jac. Umahon na ko at lalapitan sana si Julie ng may tumawag sakin.

"Elmo! Moe!"

Napatingin ako sa likod ko.

"Liza?"

"Hi. Hindi mo kasi ako sinasagot sa text ko sayo kaya naisipan ko na puntahan ka nalang."

"Ano bang kailangan mo? Bakit kailangan pa natin mag-usap?"

"May mga bagay lang kasi akong sasabihin at ipapaliwanag sayo. Sana naman mapagbigyan mo ko."

Huminga ako ng malalim.

"Pag-iisipan ko."

Pilit siyang ngumiti at tumalikod sakin. Naglakad na siya palayo sakin. Napailing nalang ako. Tumingin ako kay Julie at nakita ko siya na nakatingin sakin. Sigurado akong nakita niya kami. Naglakad ako palapit sakanya.

"Yam.."

Huminga siya ng malalim. Tumayo siya at kinuha ang kamay ko. Dinala niya ko sa may tabing dagat. Nakatingin lang kami sa papalubog na araw.

"Yam?"

"Yam, kausapin mo na siya."

Napaisip ako. "Bakit ba gusto mong kausapin ko siya?"

"Para magkaroon na kayo ng closure na dalawa. Diba nung kami ni Kyle ganyan ang ginawa mo? Please naman oh..."

Tumingin siya sakin. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Yam, gusto kong ikasal sayo na okay na ang lahat. Na wala na tayong problema. Please?"

"Okay kung yan talaga ang gusto mo."

"Really?"

Tumango ako at nginitian siya.

"Ikaw na ang the best!"

Love at First SightWhere stories live. Discover now