Thirtieth One

1.5K 60 1
                                    

Thirtieth One


Nagising ako na nakayakap ako kay Julie. Mahimbing ang tulog niya. Tiningnan ko siya. Ang ganda talaga niya. Kinuha ko ang cellphone ko. Tiningnan ko kung anong oras na. 5am na. Kailangan ko ng mag-ayos. Dahan dahan akong tumayo at nagpunta sa banyo. Naligo na ako at nagbihis. Tulog pa din siya paglabas ko. 


"Ang ganda mo.." 


Hinalikan ko siya sa noo bago ako lumabas. Gagawa muna ako ng breakfast niya. Kailangan niyang magkaroon ng maraming energy para sa haharapin niyang exam mamaya. Simple lang ang niluto ko. Bacon and egg lang. Hinubad ko muna yung polo ko at nag apron nalang para hindi madumihan ang damit ko. 


"MOE? YAM? ELMO?" 


Nadinig ko na sumisigaw si Julie. Hindi ko maiwasan na mapangiti kasi ang cute niya lang tingnan. 


"Nandito ka lang pala. Akala ko iniwan mo na ko ng hindi nagpapaalam eh." 


Pinunasan ko ang kamay ko at lumapit sakanya. Gusto ko sanang matawa kasi napatingin siya sa itsura ko. Topless na naka apron lang. Namumula siya. 


"Good morning my love!" 


Hinalikan ko siya sa labi. Mas namula siya sa ginawa ko kaya natawa na talaga ako. 


"Ikaw!" Pinalo niya ko sa braso. 


"Peace na. Sige na kumain ka na." 


Tumango naman siya at ngumiti sakin. Kung ganito naman ang makikita mo tuwing umaga? Sulit na sulit talaga! Mabuti nalang at ikakasal ako sa taong ito. 


"Yam? Aalis ka na ba? Bihis ka na kasi eh." 


Tumango naman ako. "Oo Yam eh. Sorry ah? Hindi kita mahahatid sa school ngayon. Pero pinapunta ko na yung driver ko ngayon dito para siya na ang maghahatid sayo." 


"Ikaw talaga. Okay lang naman ako eh. May kotse naman ako pwede naman na ako nalang ang magpunta sa school mag-isa." 


Umiling siya. "No. Hindi pwede. Ngayon na wala ako gusto ko hatid sundo ka ng driver ko para kahit dun man lang mabantayan kita at masigurado ko na safe kang nakakapunta sa school at nakakauwi dito." 


Pinisil naman niya ang ilong ko. 


"Ikaw talaga ang sweet mo. Salamat." 


"Para sayo." 


"Teka, kung ihahatid ako ng driver mo paano ka pupunta sa airport?" 


Ngumiti lang ako sakanya. 


"Malalaman mo mamaya." 

Love at First SightWhere stories live. Discover now