Thirty-Third One

1.5K 68 4
                                    

Thirty-third One


"JULIE! Labas ka na dyan! Malalate tayo!" 


Narinig ko na sigaw ni Carly. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nagagandahan ako sa suot ko. Biglang bumukas yung pinto. 


"Woah. Ang ganda mo." 


Napangiti ako. "Salamat. Ikaw din naman besh." 


"Siyempre mag bestfriends tayo eh. Ano bang ginagawa mo dyan?" 


Huminga ako ng malalim. Lumapit siya sakin. 


"Nangako sayo si Elmo na uuwi siya diba?" 


Tumango ako. Kanina ko pa din iniisip si Elmo. Ilang araw ko na nga ba siyang hindi nakakausap. Miss na miss ko na siya. 


"Ano bang sabi sayo nung driver niya?" 


"Tumawag siya dun. May meeting si Elmo kaya hindi niya nakausap. Pero ang sabi baka hindi siya makauwi ngayon kasi may paparating na bagyo." 


"Hayy. Pambihira namang bagyo yan oh. Ngayon pa talaga nasumpungan. Hayaan na muna natin. Malay mo mamaya may balita na tayo." 


"Kinakabahan ako besh eh. Hindi siya tumatawag baka kung ano ng nangyari dun. Wala na kong pakialam kung hindi siya maka attend sa event basta kahit isang tawag lang. Kahit isang beses lang na marinig ko ang boses niya na nagsasabi na okay lang siya, sapat na sakin yun." 


Tinapik niya ang likod ko. 


"Okay lang siya. Magtiwala tayo kay God. Pray lang." 


Tumango naman ako sakanya. Bumaba na kaming dalawa. Nag-aantay na dun yung driver ni Elmo. Pinagbuksan niya kami ng pinto. Tumingin ako sakanya. 


"Wala parin po ba kayong update sakanya?" 


"Ma'am.." 


"Nasa Japan parin po ba siya o umalis na siya dun?" 


"Ang huling balita ko po ay umalis na po si Sir Elmo sa Japan. Dahil po naka private plane siya, mabilis po siyang makakarating dito pero kung ganitong may mga bagyo, hindi ko po alam." 


Napayuko naman ako. Parang hindi naman ako makakapag enjoy kung inaalala ko si Elmo. 


"Ma'am Julie, wag po kayong mag-alala. Kapag may balita sasabihin ko po kaagad sainyo. Hindi rin po gugustusin ni Sir Elmo na nag-iisip kayo. May event pa po kayong pupuntahan." 


Pilit akong ngumiti. Pumasok na ko sa kotse. Papunta na kami ngayon sa school. Sa school lang din naman gagawin yun. Nakatingin lang ako sa salamin ng sasakyan. Napatingin ako sa taas ng langit. May eroplano na dumaan. Pumikit ako. Sana okay ka lang, Yam.

Love at First SightWhere stories live. Discover now