Ninth One

1.5K 58 2
                                    

Ninth One

Nakatingin ako kay Elmo habang nagkakape sila nila Papa at Mama sa may garden. Hindi ko maiwasan na mapangiti kasi nakikita ko na maayos na ang lahat.

"Ang weird. Parang walang nangyari ah?"

Napatingin ako kay Carly.

"Oo nga besh."

Umupo siya sa tabi ko. Bigla niya akong niyakap.

"Besh, masaya ako for you. Mahal na mahal ka ni Elmo."

Tumango naman ako sakanya.

"Oo besh. Mahal talaga niya ko. Naramdaman ko yun kanina. Nakita ko kung paano siya lumaban para saming dalawa."

"Mas nainlove ka ba?"

Tiningnan ko si Elmo na nakangiting kinakausap sina Mama at Papa.

"Sobra. Mas lumalim pa yung pagmamahal ko sakanya."

Natawa naman siya. "Sabi na eh. Hay naku, pag-ibig nga naman. Oo nga pala, aasahan ko na papasok ka na sa school bukas ah? Miss ka na ng nga classmates natin."

Napahawak ako sa pisngi ko.

"Naku. Problema ata yan ah?"

"Bakit?"

"Hindi ko pa kasi natatapos yung design ko. Pinapapasa pa naman ni Mrs. Meriales yun."

"Naku, maiintindihan naman ni Ma'am yun noh. Wag mo ng intindihin yun. Oo nga pala, isama mo si Elmo bukas."

Napakunot noo naman ako.

"Why?"

"Ipakilala mo naman siya sa mga classmates natin."

"Hindi ko pa alam, besh. Malay mo busy si Elmo."

"Busy ako?"

Napalingon ako kay Elmo. Nakangiti siyang lumalapit sakin.

"Hey Handsome!"

Tumabi siya sakin at hinawakan niya ang kamay ko. Hinalikan niya ko sa may tenga.

"Bakit busy ako?"

"Hmm. Gusto mo bang sumama sakin bukas sa school? Pwede ka ba? Pero kung may gagawin ka, okay lang naman kahit hindi na."

"Naku Yam, pupuntahan ko kasi yung isa kong hotel sa Bicol bukas. I-check ko lang kasi matagal ko ng hindi nadalaw yun. Nagkakaroon kasi ng problema."

"Sayang naman!" Sabi ni Carly.

"Hayaan mo babawi nalang ako."

Nginitian ko naman siya.

"Ano naman ang napag-usapan niyo nila Papa? Umabot na kayo ng gabi sa pagkukwentuhan."

"Oo nga eh. Wala naman, yam. Nagtatanong lang sila about sa family ko. Business ganun. And tinanong din pala ng Papa mo yung about sa kasal natin. Sabi ko na ako na ang bahala sa lahat ng gastusin pero gusto niyang tumulong eh."

"Ha? Sinabi Papa yun?"

Tumango siya. Bigla namang dumating si Papa at si Mama.

"Oo. Kasal mo yun so kailangan gumastos din ako para sa anak ko. Hayaan mo sana ako."

Tumayo ako at niyakap si Papa.

"Kung yan naman po ang magpapasaya sainyo, sige po. Papa, Mama, kelan po pala uuwi dito sila Joan at Jac?"

"Bukas anak. Dito na muna ba kayo ni Carly?" Tanong ni Mama.

"Naku Tita, nasa condo po kasi namin yung gamit namin sa school." Sagot ni Carly.

Love at First SightOn viuen les histories. Descobreix ara