Fifty-Third One

652 35 0
                                    


Fifty-Third One

"Our very own castle"

Napabalik ako ng tingin sa isang napakalaki at napaka gandang bahay. Kulay puti ito. Sobrang ganda. Sa labas palang maganda na paano pa kaya sa loob? Tumingin naman ako sakanya.

"Moe.."

Nginitian niya ko. "Balak ko sanang ipakita ito pagkatapos ng kasal natin pero excited na kasi akong makita mo ito eh. Kakatapos lang magawa niyan last week. May gamit na dyan pero hindi pa ganun kadami. Kaka start ko lang mag order sa mga kilalang furniture companies."

Naluluha akong niyakap siya. Sobra na ang pagmamahal niya. Sobra na ang mga ginagawa niyang bagay para mapasaya ako.

"Please. Please kahit isang bagay lang mag request ka sakin para naman makabawi ako sayo. Kahit isa lang. Gusto ko lang suklian ang lahat ng ginagawa mo sakin."

Hinarap naman niya ko sakanya.

"Ikaw naman Yam. Yung bagay na hihilingin ko sayo magagawa mo na din naman sa Sunday."

Napangiti naman ako. "Ang kasal natin"

Tumango naman siya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Malapit na tayong makasal. Hindi ka naman nagdadalawang isip?"

Umiling ako. "Never."

Nginitian naman niya ko. "Teka, gusto mo pumasok muna tayo sa loob?"

Tumango ako kaagad. Binigay niya sakin ang susi at ako mismo ang nagbukas ng bahay. Grabe! Pagkabukas na pagkabukas ko nasilayan ko kaagad ang makintab na floor. May mga chandelier. Malalaking sofa. Ang ganda.

"Mag-ikot ikot ka muna, Yam. May titingnan lang ako sa taas."

Tumango naman ako. Umakyat na siya sa taas at naiwan naman ako sa ibaba. Pumunta ako sa iba't ibang sulok ng bahay. Wala talagang pangit dito. Ang gaganda. Naglakad pa ko hanggang sa makakita ako ng glass door. Makikita mo doon ang swimming pool. Grabe ang laki. Sa kabila naman ang garden.

"Wow."

"Yam?"

Napatingin ako kay Elmo. Nakangiti siya habang lumalapit sakin.

"Maganda ba?"

Tumango naman ako. "Oo naman Yam. Halos kalahati na ito ng mansion niyo."

Natawa naman siya. "Ayoko naman kasi ng masyadong malaking bahay. Marami kasi kami kaya ganun pero wag ka mag-alala kapag dumami tayo edi magpapagawa ako ng mas malaking bahay."

Napakunot noo ako. Kapag dumami kami?

"Kapag dumami tayo?"

Tumango siya. "Oo. Future babies natin."

Napangiti naman ako. "Kalokohan mo talaga. Teka, saan ka ba nanggaling? Anong tiningnan mo sa taas?"

Ngiti lang ang binigay niya sakin bago niya ko hilahin papunta sa taas. Binuksan niya ang isang kwarto doon. Pagkapasok ko naisip ko na ito na ang magiging kwarto namin. Napaka ganda kasi nito. May mga lace din doon. Parang pang reyna at hari ang kwartong ito.

"Ang ganda dito, Yam."

"Bago ka magandahan dyan may mas maganda pa kong ipapakita sayo. Sure ako na magugustuhan mo."

Kinuha niya ang kamay ko. May isang pinto doon. Pumasok kami. Nakita ko ang isang napakalaking dressing room. May mga damit na din doon. Damit, sapatos lahat.

"Kumpleto na?"

Tumango siya. "Bumili ako ng mga bago mong damit. Hehe. Nagpatulong ako kala Mommy. Pero hindi ito ang pinaka magandang part."

"Ha? Meron pa ba? Eh parang lahat naman magaganda."

"Meron pa."

Naglakad kami papunta sa isang closet doon. Puro jacket ang mga nandoon. Tumingin ako sakanya.

"Wow. Magaganda ang mga jacket."

Natawa siya. Hinawi niya ang mga jacket sa gitna at nilagay sa magkabilang gilid. Napanganga ako ng makita kong may isang pintuan doon. Binuksan yun ni Elmo. Tumingin siya sakin.

"Pasok tayo?"

Hindi na ko nakasagot pa dahil hinila na niya ko sa loob. Pagkapasok ko nakita ko siya na binuksan ang ilaw. Parang slow motion ang mga ilaw kung magbukas.

"Moe.."

"Yes Yam?"

Nakatingin siya sakin at nakangisi. Halos mapatalon ako sa sobrang tuwa. Ang ganda!

"Ang ganda! Yam! Ito ang pinaka favorite ko!"

Naglakad ako dito at doon para makita ang mga libro sa paligid. Natatawa naman siya sakin. Umupo siya sa may sofa doon. Hindi pa din ako makapaniwala na may secret library dito sa loob ng kwarto namin.

"Mabuti at nagustuhan mo. Nilagay ko ang secret library dito para kapag gusto mo magbasa basa hindi mo na kailangan pang bumaba. Dito palang sa loob ng kwarto natin pwede ka na magbasa. Bagong mga edition yan. Nag order talaga ako. Yung iba naman binigay ni Mommy."

Kumuha ako ng isang libro. Ang ganda. Kapag bumili ka nito sa labas ang mamahal.

"Yam, grabe. Ang dami mo ng nagastos. Bahay, at kung ano ano pa. Wala ba kong pwede maidagdag dito?"

Lumapit ako sakanya.

"Hmm. Ano pa ba ang wala?"

"Please isipan mo. Ako naman ang gagastos."

Ngumiti siya. "Sige, ikaw nalang ang taya sa grocery. After ng kasal natin at honeymoon, mag grocery tayo."

Napayakap naman ako sakanya.

"Sige sige! Gusto ko yan!"

Natawa lang. Nasa ganun kaming posisyon ng marinig namin na parehong nagriring ang phones namin. Sinagot ko yung akin.

"Hello Maq? Ha? Ngayon na? Bakit naman nagmamadali kayo? Oo na, sige sige."

Tumingin ako kay Elmo.

"Oo na. Oo nga susunod ako. Sinabi ko naman sainyo na ayokong ng mga ganyan eh. Okay na ko na matulog nalang o kaya sa office nalang ako. Oo na."

Nagkatinginan kami at parehong natawa matapos makausap ang mga kaibigan namin. Pareho siguro kami ng problema ngayon.

"No boys."

Natawa ako at tumango.

"No girls."

Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo.

"You are my girl."

To be continued..


Love at First SightHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin