Seventeenth One

1.4K 57 4
                                    

Seventeenth One

"Oh? Bakit nakatulala ka?"

Napatingin ako kay Carly na kakatapos lang maligo. Huminga ako ng malalim.

"Naalala ko lang yung nangyari kanina."

"Bakit kailangan mo pang isipin yun? Nakita mo lang yung haliparot na babae na yun magpapaapekto ka? Wag ganun besh. Move on na dapat!"

Tumingin ako sakanya. "Besh, hindi ko naman maiiwasan yun. Babalik at babalik sa isip ko lahat ng pangyayari noon. Parang kanina.."

"Oo kanina. Ang kapal ng mukha niyang sabihin na na-enjoy niya si Kyle? Walangya yun!"

"Hindi naman yun ang iniisip ko."

"Eh ano?"

Tumayo ako at naglakad papunta sa may bintana.

"Paano kung agawin ni Mitch si Elmo? Nakilala na natin ang totoong ugali ni Mitch. Kung ano yung ginawa niya samin ni Kyle. Paano kung gawin niya samin ni Moe yun?"

"Wala ka bang tiwala kay Elmo?"

"Besh meron. Sa mga kayang gawin ni Mitch ako walang tiwala."

Lumapit siya sakin. "Kung ayaw mo talaga mawala si Elmo sayo, tagalin mo yung takot dyan sa puso mo. Ilabas mo na yung palaban na Julie Anne. Kasi alam mo besh kapag hindi? Hindi imposibleng mawala sayo si Elmo."

Tinapik niya ko sabay pasok sa room niya.

"Magligo ka na din besh mamaya baka dumating na yung Fiance mo."

Sigaw niya. Napaisip naman ako sa sinabi ni Carly. Kailangan ko na nga talagang tanggalin ang takot pero paano? Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at naligo. Nagbabad muna ko. Pinikit ko ang aking mata.

"Ano bang dapat kong gawin.."

Maya maya may kumatok na sa banyo.

"Besh? Ano buhay ka pa dyan? Isang oras ka na dyan ah? Nandito na si Elmo."

Napamulat ako ng mata. Totoo? Nakatulog pala ako. Nagbanlaw ako kaagad. Paglabas ko nakita ko si Elmo na nakaupo sa may kama.

"Besh! Akala ko ba nandito na si Elmo?" Sigaw ko.

Sumilip naman siya sa kwarto ko. Tumatawa pa.

"Oo nga. Ayan oh si Elmo the muppet." Natatawa siyang lumabas.

"Baliw ka talaga."

Napailing nalang ako. Kinuha ko yung Elmo the muppet at inayos yun sa kama ko. Hiniga ko siya.

"Elmo, ano bang dapat kong gawin? Natatakot nanaman kasi akong mawalan at maagawan."

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko na may text si Elmo. Papunta na daw siya. Napangiti naman ako. Nagbihis na ko. Simpleng floral dress lang ang suot ko. Lumabas ako at nakita ko si Carly na nanunuod ng TV.

"Nakatulog pala ako sa banyo."

"Halata nga besh. Kanina pa kita tinatawag walang sumasagot."

Tumabi ako sakanya.

"Iniisip mo pa din?"

Tumango ako. "Paano ko ba lalabanan yung takot ko?"

Ngumiti siya sakin. "Simple lang. Ipakita mo sa mga nanakit sayo na masaya ka. Masaya ka kay Elmo."

Huminga ako ng malalim. Okay sige. Simula bukas ipapakita ko sa lahat kung gaano ako kasaya kay Elmo. Ipapakita ko na kaya ko na. Sure ako na gusto din ni Elmo ang gagawin ko. Tama na ang iyak. Tama na ang sakit. Magiging palaban na ko. Hindi ko hahayaan na mawala si Elmo sakin. Hindi na ko papayag pa.

Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon