Forty-Third One

1.1K 62 5
                                    

Forty-Third One


"Ako na." 


Sabi ni Elmo sakin habang hawak niya ng mahigpit ang kamay ko. Pinigil ko naman yun. Ako ang dapat ang humarap kay Kyle hindi siya. 


"Let me." 


Binitawan ko ang kamay niya. Lumapit ako kay Papa na ngayon ay galit na galit na. Nasa labas siya ng gate. 


"Kyle, anong ginagawa mo dito? Diba nakapag-usap na tayo? Akala ko ba tanggap mo na?" 


"Julie..Julie, hindi ko matanggap. Mahal parin talaga kita eh. Please, bumalik ka na sakin." 


"Kyle, hindi na pagmamahal ang nararamdaman mo para sakin." 


Napatitig siya sa sinabi ko. 


"Hindi na pagmamahal yan. Guilty ka lang kasi naaalala mo yung nagawa mo sakin. Kyle, masaya na ko. Masaya na ko kay Elmo. Siya na ang mahal ko at kahit kelan hindi na magbabago yun. Inaayos na din namin ang kasal namin so please.." 


"Julie.." 


Hinawakan ko ang kamay niya na nakalagay sa may gate namin. Napaiyak na ko sa nakikita ko. Parang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko dahil sakanya. 


"Pinapatawad na kita.." 


"Julie.." 


"Pinatawad na kita sa mga nagawa mo. Please, patawarin mo na rin ang sarili mo. Hindi ka magiging masaya kung hindi mo papatawarin ang sarili mo. Nakapag usap na tayo diba? Tinulungan pa tayo ni Elmo mag-usap." 


Tumingin siya sa may gawi ni Elmo. Tumingin din ako sakanya. Ngumiti si Elmo sakin at lumapit. Inakbayan niya ko. 


"Wag kang mag-alala. Aalagaan ko si Julie. Hindi ko gagawin sakanya kung ano man ang nagawa mo sakanya. Napagaling ko na ang puso ni Julie na sinugatan mo. Di ako gagawa ng ikakasakit nanaman niya." 


Napayuko si Kyle. 


"Kyle." 


Tumingin kami kay Papa. Tumingin naman sakanya si Kyle. 


"Tito.." 


"Makakahanap ka din ng babaeng para sayo. Siguro hindi lang si Julie ang para sayo eh. Siguro may iba pa dyan. Mahahanap mo din yun tulad ng anak ko. Nahanap niya si Elmo." 


"Tito.." 


Tinapik ni Papa ang balikat ni Kyle. Tumingin sakin si Kyle. 


"Julie, sorry. Sorry kung muntikan ko nanaman guluhin ang isip mo. Sana  maging masaya ka na kay Elmo. Nakikita ko kung gaano ka niya kamahal. Hindi ko lang siguro matanggap na may hihigit pa pala sa pagmamahal na binigay ko sayo noon." 

Love at First SightWhere stories live. Discover now