Chapter Eleven- Push and Pull

623K 10.6K 1.6K
                                    

ZYLIE'S POV

Naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Renz? Eh si Terrence ang bagong teacher? Siya pala ang pinaguusapan na papalit kay ma'am Dina. Bakit siya pa? Bakit dito niya pa naisipang magturo sa lahat naman ng schools!

"Oh Zylie..." niyakap ako ni Mikaela.

Nakita niya siguro ang itsura ko. Di na ako makapagconcentrate. Buti na lang umalis na siya. Buti na lang lumabas na siya ng classroom kung hindi... baka umiyak na talaga ako. 

"Ang gwapo ni sir nuh??" sabi ni Alyanna bago tumingin sa amin ni Mika "Oh anong drama niyo diyan? Sobrang nagwapuhan ba kayo kay Sir Renz kaya nagyayakapan kayo diyan?"

Nilakihan siya ng mata ni Mikaela.

"Saksakan ka talaga ng kalandian sa katawan! Naku....!!!"

"Ano kayang buong pangalan ni Sir Renz? May second name pa yata siya? Renz Anthony? Renz Marion? Renzieness?" 

"Tengene ka Yanny!" medyo malakas na sabi ni Mikaela kay Yanny.

"Aba!!! Bakit mo ako minumura? Masamang magwapuhan? Di naman ibig sabihin nun kami na eh. Hahaha. Bakit ba ang seryoso niyong dalawang dyan? Nagyayakapan pa kayo diyan. Iniisip ko lang naman kung anong buong pangalan ni Sir Renz kasi parang ang short lang ng Renz... Ano ka--"

"TERRENCE! TERRENCE ANG BUO NIYANG PANGALAN. TERRENCE MANLOLOKO SANCHEZ!" sigaw ni Mika. Mabuti na lang at maingay ang mga classmates namin at mukhang hindi naman pinansin ang sinabi niya.

"Ha??" wala pa ring clue si Alyanna.

"Hwag kayong maingay..." sabi ko kasi napapalakas na yung usapan nila.

"Kukurutin na kita dyan Yanny ang tanga mo! Slow slow mo!"

"Sasapakin naman kita kanina mo pa ako minumura."

"Eh ang tanga mo naman kasi talaga! Connect the dots! Spoonfeeding naman Yanny, wala ka bang social cues?"

"ANO NGA?!"

"Hello! Terrence! Itsura ni Zylie! Terrence! Ring a bell??? Diary ni Zylie kanina? Parang di mo nabasa eh!" bulong ni Mikaela.

Unti-unti, nakita ko ang pagbabago ng mukha ni Alyanna na nagpapahiwatig na unti-unti na siyang naliliwanagan. 

"ANAK NG PWET KA!!! EX MO YUN???" sigaw nito.

Tumingin mga kaklase namin. Gusto ko ng tumalon sa bintana. Good Lord.

"Ahhhh hihi oo ex ko yun si Meynard!! Hahahaha. Kilala niyo yun? Hindi? Oh wag na kayong mangialam hahahaha!" parang baliw si Mika. Sino si Meynard? Pero alam ko sinabi niya lang yun para mapagtakpan ako.

Mabuti na lang at mukhang naniwala naman ang mga classmate namin at hindi na siya pinansin. Bumalik na naman sa dating usapan na parang mesmerized pa din sa aming "sir"

"Aray!!" binatukan kasi ni Mika si Yanny.

"Yan ang bagay sa'yo!"

"Sorry... Pero seriously? Ex mo yun?" bulong na nito. "Yun yung ex mo? Bakit ang gwapo?

Tumango ako. Wala naman akong balak itago kay Alyanna since kilala niya naman si Terrence kahit sa kwento lang.

"Paulit-ulit Yanny? Tska por que gwapo bawal na maging bf ni Zy?"

"Ex." pagtatama ko.

"Ang gwapo ng ex mo teh!!! Golly!!! Pano naging kayo nun??? Fafaliscious!! Pero Zy, kung ako yun, siguro ico-consider ko na kami pa rin." Lalo pang sumiksik si Alyanna sa pagitan namin ni Mikaela.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon