Chapter 49: Promise

9.5K 229 11
                                    

Chapter 49: Promise


"AYAN. ANG GANDA."

"Ano 'yung maganda? Ako o 'yung turban?"

Natawa naman si Monic sa sinagot ni Yvette sa kanyang naging compliment nang maayusan niya ito gamit ang isang turban. Pareho silang nakaupo sa higaan, with Monic behind her best friend, peeking at their reflection sa hawak nitong hand mirror.

"Siyempre ikaw 'yung maganda. Ano namang laban ng turban sa'yo 'di ba?"

"Hmm," Yvette pursed her lips, sabay ikot ng ulo para tignan ang ayos sa parehong gilid ng turban na kanyang suot. "Pero hindi naman ako gaganda kung wala ang turban na 'to. So it's just a tie."

Bumagsak naman ang mga balikat ni Monic sa sinabi nito.

Four months na magmula nang magsimula si Yvette na mag-undergo ng chemotherapy para labanan ang sakit nito. Sa ngayon, nakakatatlong cycle na ito ng chemo and so far, maganda naman ang nakikita ng mga doktor sa nagiging response ng katawan ni Yvette. Umeepekto ang mga gamot na binibigay rito, but with a great deal of a price. Not only financially, but also physically.

Malaking pagbabago ang ginawa ng chemotherapy sa katawan ni Yvette. Chemo made her lose appetite, catch flu so often, and feel very much weak and sick. Kaya pumayat ito eh. Tapos, nalagasan na rin ng buhok.

"Hindi kaya..." Sagot ni Monic. "May turban o wala, maganda ka pa rin, Yvette." At totoo iyon. Pumayat man si Yvette at nawalan na ng buhok, maganda pa rin naman ito.

Si Yvette naman ang natawa, mahina pero walang pait o lungkot. "Bolera ka, Nix. Eh tara na nga."

Binaba na ni Yvette ang hawak na hand mirror, at inalalayan na ito ni Monic na lumipat ng upo sa wheel chair. At mula sa kuwarto nito, nagtungo sila sa chapel ng ospital.

It had become their habit, ang araw-araw na bumisita sa chapel doon every 3pm para magdasal. Sa araw na iyon, unting tao lang ang naroon. Bukod sa kanilang dalawa na sa dulo pumuwesto ay may tatlong pasyente rin ang nasa bandang gitna at harapan.

Praying was helping, Monic believed so. Nakikita niya na lumalakas ang loob ng matalik niyang kaibigan sa tuwing nagdarasal sila roon. Idagdag pa ang pagbabasa nila ng mga blog ng mga survivor ng sakit na nilalabanan nito ngayon. Ah, no, nilalabanan pala nila.

"Nix..." Tawag sa kanya ni Yvette habang nagmumuni-muni na lang sila roon sa chapel.

"Hm?" Nilingunan niya ito at nakitang nakatitig lang sa may altar sa harapan. Nilingunan din naman siya nito, ngunit nang may matamlay na ngiti. "Bakit, Yvette?"

"Gusto ko lang... mag-thank you. Thank you sa pagtulak sa akin noon na magpagaling at ngayon naman, thank you sa pag-aalaga mo sa akin."

Ngumiti rin si Monic. "Sus, wala lang 'yon."

"Huwag mo nga sabihin na wala lang 'yon..." Halos ngumuso ito. "Wala lang ba 'yung araw-araw, ikaw ang kasama kong nagpapagaling? Araw-araw, ikaw ang umaalalay sa akin at ang nagpapalakas ng loob ko? You even resigned from your work para sa akin. Lahat 'yon, ginawa at ginagawa mo ngayon sa kabila ng mga nagawa ko noon..."

"Tss. Huwag na natin 'yun balikan." Hinawakan niya ang kamay ni Yvette. "'Yung tungkol sa trabaho ko, matagal ko naman nang iniisip na mag-resign dahil gusto ko nang tulungan sina Daddy sa negosyo nila. Kaya huwag mo na 'yon masyadong isipin. At saka hindi lang naman ako ang nag-aalaga sa'yo ah? Si Marky, si Tita Malou, at si Alannah, inaalagaan ka rin nila."

"Pero ikaw ang pinaka-nag-aalaga sa akin. Like what I've said, araw-araw kang--teka. Bakit ba pinapahirapan mo pa akong magpaliwanag? Bakit ba hindi mo na lang tanggapin 'yung pasasalamat ko?" Reklamo ni Yvette sabay simangot.

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon