Chapter 32: Getting Better

7.6K 224 21
                                    

Chapter 32: Getting Better


"OKAY BA, KIDS? Meron kayong thirty minutes para tapusin 'yan, ha?"

Agad nagsimula ang mga bata sa art activity nila nang sabihin iyon ni Monic. Gamit ang mga krayola, kinulayan ng mga ito ang iba't ibang photocopied drawing about summer na pinamigay nila kani-kanina lang ni Teacher Riz.

Nag-ikot si Monic para kamustahin ang ginagawa ng mga bata. And it felt different to her. Ngayon lang kasi siya nagtrabaho nang nakakaramdam ng sobra-sobrang inspirasyon, at iyon ay dahil sa magagandang nangyayari sa buhay niya.

First, doing better ang summer class ng nursery school nila. Mas maraming bata ang nakuha nila ngayong bakasyon and hopefully, ganon din mag-increase ang batang makuha nila for the upcoming academic year.

Second, nakapasa si Alannah sa Double-A! Last week pa nila nalaman 'yon and sadly, hindi pa sila nakakapag-celebrate nina Marky hanggang ngayon. Busy na kasi talaga silang dalawa with their own jobs, lalo na ang kanyang nobyo. Pero napag-usapan naman na nilang magagawaan din nila 'yon ng paraan, soon. Okay lang din naman siguro iyon kay Alannah dahil ayon sa lola nito na kanyang tinatawagan minsan para mangamusta, ay tinreat na ito ni Yvette sa labas as a reward.

Medyo napangiwi si Monic nang alalahanin ang ginawang iyon ng dati niyang kaibigan. Pero agad din niya 'yung binalewala. Hanggang do'n na lang naman ang kayang gawin ni Yvette eh, kaya wala nang dahilan para ma-bitter pa siya, 'di ba? Hanggang pagiging ina na lang ni Alannah ang magiging papel nito sa buhay nila ni Marky.

Also, why think of the bitch if there were more things to think that would make her feel great? Isa na roon ang relasyon nila ni Marky na talagang hindi nila pinababayaan in spite ng pagka-busy nila. Then isa pa ang relasyon niya sa kanyang mga magulang na sinimulan na nilang ayusin.

Her parents were still busy themselves, pero gumagawa na ang mga ito ng paraan ngayon para unti-unting makabawi sa kanya. Nung weekend nga pagkauwi niya sa sa kanila ay nag-out of town silang pamilya para mag-bonding. Her mom would also phone her every now and then para kamustahin siya. At kapag kakayanin naman ay doon na raw uuwi ang mga ito kasama siya kaysa sa isa pa nilang residence sa south.

Until now, medyo nagkaka-ilangan pa sila ng daddy niya. Pero sa pag-e-effort nila pareho, nararamdam ni Monic, they would soon have the best of their father-daughter relationship.

Napangiti siya lalo habang nag-iikot.

Everything's just getting better.

Napahinto na lang si Monic sa ginagawang pag-iikot nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone na nakatago sa bulsa ng suot-suot niyang cardigan. She fished it out, and found out that it was Marky who sent her a text message. Napangiti naman siya agad-agad nang mabasa ang pangalan nito.

Marky: Do you know how much I'm missing you right now, Monic del Valle?

Napakunot-noo si Monic.

Bakit bigla-bigla 'tong nagte-text ng ganito?

Nawi-weirduhan siya sa kanyang nobyo. Hindi sa hindi ito bumabanat sa text. In fact, madalas nitong gawin iyon, but only when they were in a conversation. Hindi gaya ng ginawa nito ngayon na sobrang out of the blue. But even so, pinatulan niya pa rin ito.

Me: Well... I don't know. Will you let me know how much you're missing me right now, Marky Añonuevo?

Matawa-tawa siya sa ni-reply niya sa kanyang nobyo. Nae-ewanan lang siya sa mga sarili nila.

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon