Chapter 35: Surprise

7.1K 212 18
                                    

Chapter 35: Surprise

"HUY, TEACHER NIX!"

Halos napabalikwas sa pagkakaupo't pangangalong-baba si Monic nang gulatin siya ni Teacher Riz sa desk niya sa faculty room nila. Tapos na ang klase nila para sa araw na iyon eh at aalis na dapat siya kaso bigla na lang siyang natulala nung makaupo siya at napaisip nang malalim.

"Abaaa. Mag-iisang linggo ka nang ganyan ah? Nagka-boyfriend ka lang, naging problemado ka na!"

Napanguso lang si Monic sa sinabi nito. Problemado nga siya, pero hindi lang naman iyon dahil sa nagka-boyfriend na siya ulit eh.

"Buti pa ako," umupo na si Teacher Riz sa puwesto nito at nakangiting nanalamin sa bilugang salamin na since-forever na yatang nasa desk nito. "Single at walang problema. At..." Saglit itong napahinto kasabay ng pagkawala ng ngiti sa mga labi. "At wala pa rin experience hanggang ngayon! Waaaaa!" At ngumawa ito. "Ayoko na! Ayoko naaaa! Sobrang unfair lang ng buhay!"

Natawa naman si Monic sa nginangawa ng kanyang ka-trabaho. Halos ganon din ang reaksyon nito eh nung ikuwento na niya ang tungkol sa kanila ni Marky.

"Teacher Riz naman... Huwag ka kaagad mawalan ng pag-asa. Nandyan pa si Sir Ritchie para sa'yo."

Natigilan si Teacher Riz at saglit na nanahimik bago ngumiti nang napakalapad--sobrang lapad to the point na naging creepy na ang itsura nito.

"Tama... Tama." At bumalik na ito sa pananalamin. "Si Sir Ritchie. Siya ang magiging first boyfriend ko. Hihi."

Hay, grabe. Nakangiti at umiiling-iling na nagbuntung-hininga si Monic--nang may bigla siyang maalala.

"Nako," bigla-bigla siyang napatayo. "Kailangan ko na nga palang umalis, Teacher Riz. Mauna na ako ha?"

Nagpaalam pa siya, pero hindi naman siya nito pinansin. Masyado na yatang lumalim ang pagpapantasya nito tungkol sa anak ng boss nila. Ang creepy pa rin kasi ng ngiti nito habang patuloy na nananalamin.

"Err... Okay." Nag-aalangan ngunit matawa-tawang tumalikod na si Monic. Bahala na siya dito. At umalis na siya nang hindi namamalayan ng kanyang ka-trabaho.

Nang makapuwesto na si Monic sa driver's seat ng kanyang sasakyan, natulala na naman siya at muling napaisip tungkol sa mga mabigat pinoproblema niya ngayon--ang naging desisyon niya na gawin na ang kanyang papel bilang anak ng kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pag-ako ng responsibilidad sa kanilang negosyo; at ang naging pag-uusap nila ni Yvette nung Linggo.

Napapikit si Monic at hinigpitan ang hawak sa manibela.

Oh, life... Why this cruel to me?

Nang muling dumilat ay humugot siya nang malalim na hininga.

Wait, iba dapat ang mas pinoproblema ko ngayon!

Biglang naglaho ang mabigat niyang nararamdaman at napalitan ng excitement. Bukas na kasi ang birthday ni Marky at ngayon niya napagplanuhang simulan ang paghahanda sa magiging regalo niya rito. She knew Marky's birthday celebration this time would be awesome, dahil nakausap niya rin si Alastor at nakumbinsi niya itong tulungan siya sa pag-surpresa sa kanyang nobyo.

Napangiti nang nakakaloko si Monic, bago ini-start ang makina ng kanyang sasakyan at nagsimulang magmaneho.

***

"DUDE, BAKIT GANYAN pagmumukha mo?" Salubong na bati kay Marky ng kaibigang si Alastor nang makauwi siya sa condo na tinutuluyan kasama ito. "At bakit ngayon ka lang?"

Sinipat ni Marky ang orasan na nakasabit sa may sala. Pasado alas diyes na pala ng gabi. Bukod kasi sa inabot siya ng alas siyete sa pag-aayos ng mga kailangan niyang ayusin sa culinary school nila eh naisipan niya ring dumaan sa bar ng matanda nilang kaibigan na si Charlie at uminom nang kaunti. Pero wala siyang ganang magpaliwanag kay Alastor. Kaya pinansin na lang niya ang porma nito na nakapang-alis at may sakbit-sakbit pa sa isang balikat na bag pack.

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon