Chapter 37: Yell

8K 189 17
                                    

Chapter 37: Yell

MONIC WAS IN a deep sleep, nang maramdaman ng katawan niya na kailangan na niyang gumising. Inaantok pa siya, pero wala siyang laban sa body clock niya. Kahit gusto pa niyang ituloy lang ang pagtulog, her eyes betrayed her so. Dahan-dahan siyang dumilat at bahagyang ikinilos ang katawan.

Inaantok siyang nagkusot ng mga mata, nang matauhan siya sa kasalukuyan niyang estado--walang saplot sa ilalim ng kumot, ang ulo ay nakapahinga sa ibabaw ng hubad na dibdib ng isang binata, ang isa niyang braso ay nakayakap sa tiyan nito.

"Magandang umaga, mahal kong reyna..."

Bumilis naman ang pagtibok ng kanyang puso nang marinig ang boses na iyon ng kanyang nobyo--ng lalaking pinagbigyan niya ng kanyang lahat-lahat kagabi.

Marky...

Tiningala niya ito at nasilayan ang matamis na may pagkapilyo nitong ngiti sa kanya.

Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ni Monic kasabay ng pagpasok sa isip niya ng bawat detalye ng mga nangyari sa kanila kagabi. Them making out, then she asking him to bring her there on his bed to do it.

Wow. Ako pa talaga ang nagyaya!

Bukod pa do'n, siya ang naghubad ng damit nito. At ang kamay niya, nagawa niyang ihawak sa kung saan-saang bahagi ng katawan nito.

Grabe. Paano ko nagawa ang mga 'yon?!

Nakaramdam ng hiya si Monic, dahilan para lumayo siya sa kanyang nobyo at ikubli ang sarili sa ilalim ng kumot.

"Uy, Nix?" Gulat at nagtatakang tawag ni Marky. "Bakit ka nagtatalukbong?" Sinubukan nitong alisin ang kumot sa bandang ulo niya pero hindi niya ito hinayaan. "Uy..."

May pag-alala na sa tono ni Marky. Doon naman nakaramdam si Monic ng pagka-guilty kaya ibinaba na niya ang kumot hanggang sa may ibaba lang ng kanyang mga mata--sapat lang para makita ang binata na nasa itsura rin ang pag-aalala at pagtataka.

"N-nahihiya lang ako..." Dahilan niya rito.

Tinitigan lang siya ni Marky, bago bahagyang ngumiti at magsalita.

"Nahihiya? O may gusto ka lang makita ulit diyan sa ilalim ng kumot?"

Na-gets naman ni Monic ang pinapahiwatig nito kaya nakaramdam siya ng pag-init sa kanyang mga pisngi.

"Hindi 'no!" Kontra niya agad.

Natawa si Marky at hinatak siya para mayakap. Again, ipinahinga nito ang kanyang ulo sa dibdib nito at ipinapulupot ang isa niyang braso sa katawan nito.

To feel his warm embrace--it was perfect. Idagdag pa roon ang paghalik nito sa kanyang buhok, sa kanyang sintido, sa kanyang ilong, at sa kanyang mga labi--pati na ang pagtititigan nila nang malapitan pagkatapos. Parang sasabog lang ang puso ni Monic sa pagmamahal na nararamdaman niya mula at para sa lalaking ito. Kaya kung naibigay na niya ang lahat-lahat niya rito, wala siyang pinagsisisihan. Walang-wala.

Sa pagtititigan nilang dalawa, bigla-bigla na lang silang napangiti at halos matawa.

"Bakit ka natatawa, huh?" Sita ni Monic kay Marky kahit ba siya mismo eh natatawa rin.

"Ewan ko ba... Ikaw, bakit ka ba natatawa?"

"Ewan ko nga ba rin... Teka, hanggang kailan ba natin balak magtitigan at magyakapan nang ganito dito?"

"Ikaw ba, hanggang kailan mo balak? Kasi ako... wala na akong balak na pakawalan ka pa. Hindi na ulit--habangbuhay."

Lumapad ang ngiti ni Monic sa mga sinabi ng kanyang nobyo.

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon