Chapter 41: Acceptance

6.8K 178 16
                                    

Chapter 41: Acceptance


"DUDE!"

Nagising si Marky sa sigaw na narinig at dali-daling bumangon.

"Oh? Bakit, bakit?" Wala sa sarili niyang tanong, at natauhan na lang nang marinig ang pagtawa ni Alastor na nakatayo sa harapan ng sofa na kanyang tinulugan.

"Nangyayari sa'yo, dude? Bakit ka ba diyan natulog? Nasaan anak mo?"

"Ano?" Wala siyang naintindihan dahil sabog ang utak niya sa bigla-bigla niyang paggising at pagbangon. Nakikisabay pa ang katawan niya na mabigat ang pakiramdam.

"Tsk tsk." Napailing si Alastor. "Ano bang ginawa mo kagabi at nagkakaganyan ka ngayon?"

"A-ah! Si Yvette?"

"Huh?" Napataas ng isang kilay ang kaibigan niya. "'Yung nanay ng anak mo?"

Hindi sumagot si Marky at madaling nagtungo sa kanyang kuwarto at sinilip kung naroon pa si Yvette. Nakahinga naman siya nang maluwag nang makitang naroon pa ito, natutulog katabi ang anak nila. Akala niya nakatakas na eh. Gusto pa naman niya itong makausap ulit--nang maayos at matino, at wala siyang balak tumigil hangga't hindi nareresolbahan ang problema nila.

"What the?"

Boses iyon ni Alastor na sumunod at nakisilip sa kanyang kuwarto.

"Teka nga."

Sinara nito ang pinto at hinarap siya nang nakakunot noo.

"Ano 'yan? Bakit nandiyan sa kuwarto mo ang nanay ng anak mo? Alam ba ni Nix 'yan, ha?"

Hindi siya makasagot. Mabagal prosesuhin ng kanyang utak ang bawat tanong na sunud-sunod na binato sa kanya ng kanyang kaibigan.

"Dude," bahagyang kumalma si Alastor. "Okay, labas nga pala ako sa issues mo sa love life mo. Ako--ako lang ang natatakot para sa inyo ng girlfriend mo. Heck, you were already given a second chance, then, you do such thing?"

"Pero... wala naman akong ginagawang masama." Kalmado niyang depensa. "Si Yvette, sinugod niya lang ako kagabi dito nang lasing siya. Masama ang loob niya sa akin at nilabas niya lang iyon."

"Okay, okay. First, I'd like to clear that I'm not saying na may ginagawa kang masama, ha? Okay, dude?" Tinapik-tapik siya nito sa balikat. "Second, ang nais ko lang talaga iparating ay... delikado sa relasyon niyo ni Nix ang ganitong pangyayari. Wala ka mang ginagawang masama, puwede pa rin niya 'yang masamain. Keep in your mind how you two broke up before. Nadala na 'yon. Mabilis na 'yung magko-conclude kahit hindi pa naririnig ang paliwanag mo. At nagsisimula palang ulit kayo, tapos magkakalamat na agad ang relasyon niyo?"

Nahilo si Marky sa mga narinig, dahilan para mapasandal siya sa tabi ng pintuan nang sapo-sapo ng isang kamay ang kanyang mga mata.

"Alam ko naman 'yan, Las... Kakausapin ko rin naman si Nix tungkol dito... Pero, uunahin ko munang makipag-usap ulit kay Yvette..." Binaba na niya ang kanyang kamay at tinignan ang kaibigan na nakapamewang sa kanyang harapan. "Mamaya talaga... Maging maayos man o hindi pa rin ang pakikipag-usap ko kay Yvette, kakausapin ko na si Monic... Kaya huwag ka na mag-alala..."

Tumango-tango si Alastor. "Ayos na sa akin na alam mo ang mga ginagawa at gagawin mo. Ang sa akin lang, gusto lang kitang paalalahanan kasi... sayang talaga kayo ni Nix, lalo na at kung sa parehong dahilan lang ulit kayo magkakasira. 'Di ba? Alam mo 'yun? Nakakatanga para sa tulad kong nakakaalam ng love story niyong dalawa."

Mahinang natawa si Marky.

"Letse naman kasi ang pag-ibig, pag-ibig na 'yan. Nakakasira ng buhay." Tumalikod na ang kaibigan niya at binuksan ang pinto ng sariling kuwarto.

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon