Chapter 14: A Mother's Favor

11.9K 296 6
                                    

Chapter 14: A Mother’s Favor

“TITA NIX! THAT one po!”

            “Ay, oo nga ‘no.”

            Matawa-tawa na lang si Monic habang naggo-grocery kasama si Alannah. Nakasakay ito sa push cart, at tinuturo ang pouch ng tomato sauce na nahirapan niyang hanapin.

            “Oh kamusta? Nahanap niyo ba?” Si Malou, nakabalik na sa kanila matapos may kunin sa aisle na nadaanan na nila kanina.

            “Opo. Okay na po.” Nakangiting sagot ni Monic bago sila nagpatuloy sa pag-iikot.

            It was Sunday. Pagkatapos nilang mag-almusal kanina ay nagpaalam si Monic na magsisimba. Eh nagkataong nakaugalian din pala iyon nung mag-lola kaya nagsabay-sabay na sila. At pagkatapos naman ng misa, naisipan nilang mag-grocery na rin para sa magiging pananghalian at hapunan nila.

            “Tita Nix!” Nasa counter na sila nang tawagin siya ni Alannah. Nagpapabuhat ito sa kanya para makaalis sa push cart. Hindi naman siya nagdalawang isip na sundin ang gusto nito.

            Nang maibaba na ni Monic ang bata sa sahig, humawak ito sa kamay niya—bagay na nagbigay ng bahagyang kakaibang pakiramdam sa kanya. Nandun ‘yung awa dahil sa kinuwento ng lola nito kahapon, at nandun din ang tila pagiging ilusyonada niya. Pakiramdam niya na naman kasi ay siya ang ina nito.

            “Ako nang bahala dito, Monic.” Pag-ako ni Malou sa paghihintay na ma-punch ang mga pinamili nila. “Doon na lang kayo maghintay.” Sabay turo sa plastic bench na nasa tabi ng baggage counter.

            “Sige po,” inakay ni Monic ang bata hanggang sa mapaupo niya ito roon sa plastic bench. Napangiti naman siya nang makita ang paggalaw ng mga paa nito habang nakaupo. She always found it very cute of Alannah.

            Papalit-palit ang tingin ni Monic kay Alannah at sa lola nito. Gusto niya kasing matulungan agad sa pagbubuhat ang matanda. Hanggang sa mapansin niya na may tinitigan sa kung saan ang batang kasama niya. Nang sundan niya ang tingin nito, doon pala ito nakatitig sa bilihan ng de-scoop na ice cream.

            Gusto niya siguro no’n... Iyon agad ang pumasok sa isip ni Monic.

            “Alannah, gusto mo ng ice cream?” Tanong niya rito.

            Gulat itong napatingin sa kanya bago tumango nang kagat-kagat ang ilalim na labi.

            “Tara, bili tayo.” Inalok niya rito ang kanyang kamay na muli naman nitong hinawakan. “Anong flavor gusto mo?” Tanong niya pagkalapit nila sa stall.

            Dahil maliit, humawak at pilit tumingkayad si Alannah sa ibabaw ng chest freezer para masilip ang laman no’n. Natawa roon si Monic, bago ito binuhat para mas makita ang laman ng freezer.

            “Woah,” halos magningning ang mga mata ni Alannah sa dami ng flavor na nakita. Idinikit pa nito ang kanang hintuturo sa sariling baba which Monic knew, ay senyales na malalim itong nag-iisip. Alam niya iyon dahil ganun din si Marky.

            Naalala tuloy ni Monic ang college days nila ni Marky, tuwing sabay silang nagre-review bago mag-exams. Madalas niya itong titigan kaya madalas niya rin itong makita kung paano mag-isip nang malalim.

            “Strawberry flavor po!” Sa wakas, nakapili na rin si Alannah.

            “Okay. Strawberry flavor.” Binaba na niya ang bata at binili ang request nito. Napatalon naman ito sa tuwa nang iabot na niya ang naka-apang two scoops ng strawberry ice cream. At siya rin, natuwa sa reaksyon nito.

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon