Chapter 22: One Step At A Time

11.6K 266 16
                                    

(Alannah Añonuevo on the multimedia ↑ ↑ ↑)

——

Chapter 22: One Step At A Time

MONIC FELT WEIRD the moment she opened her eyes to wake up. Paano naman ba kasi hindi magiging weird ang pakiramdam niya, eh after so many years, ngayon lang siya ulit nakatulog sa sofa—nang may katabi pa na nakayakap sa kanya.

            Marky...

            Tiningala niya ang binatang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Tinitigan niya ito at hinayaan ang kanyang puso na magwala sa sobrang galak. There were just lots of things her heart was feeling so much happy about. Ang makatabi ang dating nobyo sa pagtulog, ang mayakap ito, and lastly, ang makipag-ayos dito.

            We're already okay, aren't we?

            Hinawakan niya ang isang pisngi ni Marky. Umungot naman ito at gumalaw. Akala niya magigising na ito pero hindi pa pala. Humigpit lang nang bahagya ang pagkakayakap nito sa bewang niya, as if sinisigurado na hindi siya mahuhulog sa hinihigaan nila—kahit ba na siya ang nasa safe na puwesto at ito ang puwedeng mahulog.

            Napangiti si Monic. That was one of so many things she missed about Marky. 'Yung pag-aalaga nito.

            Her heart was feeling too much giddy nang maalala naman niya kung paano ba sila nahantong sa pagtulog doon.

                                                                                                ***

KAGABI, HINDI MALAMAN ni Monic kung paano sasabihin ang mga nararamdaman niya tungkol sa katotohanang pinaliwanag ni Marky sa kanya. Relieved, masaya—ayun ang mga naramdaman niya na sa pagyakap lang niya nagawang iparamdam sa dating nobyo. She felt very thankful then that Marky hugged her back and did not let go of her until she first did. Medyo awkward nga lang nung maghiwalay sila pero 'yung ngiti nila sa isa't isa... ayun na yata ang nagawa nilang pinaka-masayang ngiti mula nang magkita silang muli.

            They were supposed to go upstairs after that. Pero parang nawalan ng lakas si Monic matapos ng kadramahang nangyari kaya naupo na lang siya sa sofa na ginawa rin ni Marky. Tumabi ito sa kanya, giving her the urge to hug him again which also frustrated her.

            "Don't do this to me..." Naibulalas niya kagabi pagkaupo ni Marky sa kanyang tabi.

            "Do what?" Nagtaka naman ang binata. Siyempre, tumabi lang naman ito ng upo sa kanya tapos nagsalita siya nang ganun?

            Napasimangot si Monic kasabay ng pagyakap sa mga binti niya at pasimpleng pagtago ng mukha sa mga tuhod niya. Nararamdaman niya eh, namumula ang mga pisngi niya.

            "You're making me want to hug you again..." Pabulong niyang reklamo. Pabulong pero narinig pa rin ni Marky. Natawa ito eh, at pagkatapos ay naramdaman na lang niya ang kamay nitong humawak sa kanyang ulo. Akala naman niya ay ipa-pat lang siya nito pero hindi pala. Marahang hinatak ni Marky ang ulo niya para ipahinga sa balikat nito.

            Hinayaan ni Monic na manatili sila sa ganung puwesto. Hinayaan lang din niya ang pananahimik nila kahit alam niya na kailangan pa nilang mag-usap. May mga kailangan pa silang linawin tungkol sa kanilang dalawa. Pero... hindi naman siguro masama kung manatili muna silang ganun 'di ba? Tutal naman, may malaking bagay na silang nagawang linawin. It wouldn't hurt if they would clear one issue at a time. Ang mahalaga, nawala na ang sakit at sama ng loob sa pagitan nilang dalawa.

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now