Chapter 1: Crossing Paths

30.4K 594 27
                                    

Chapter 1: Crossing Paths



“ANO BA NAMAN ‘to,” Halos matawa si Monic sa dalawang pile ng mga bond paper na isa-isa niyang tinitignan at minamarkahan. Drawing activity ang mga iyon ng mga four and five year-old nursery students nila, segregated from morning and afternoon classes na hawak niya at maging ng co-teacher niya na lumiban ng araw na iyon. At paano ba namang hindi siya matatawa sa mga nakikita niya? Eh ang rarandom ng mga pinag-guguhit nung mga bata?

            Ang instruction niya kanina sa mga bata ay i-drawing ang kung anumang bagay o sinumang tao na tinuturing nilang napakahalaga sa kanila. Pero may nag-drawing sa mga ito ng itlog at carrot.

            Seriously? Bakit naman kaya naging napakahalaga ng itlog at carrot sa mga batang ito?

            Maya-maya, sa huling bond paper na mamarkahan niya, hindi na niya napigilang matawa nang napakalakas.

            “Tao ba ‘to?” Para na siyang baliw na nagsasalita at tumatawa nang mag-isa sa classroom kung saan siya naka-assign magturo. Maluha-luha na siya, habang nakaupo sa isang maliit na silya at tinititigan ang drawing sa bond paper na hawak niya. Drawing nga iyon ng isang tao—deformed na tao to be exact, na may mga parte ng katawan na medyo wala sa puwesto. Gaya na lang ng mga mata nito—‘yung kaliwa, tumama ang pagkaka-puwesto. Pero ‘yung kanan, sumobra sa kanan. Nagmukha tuloy itong abnormal. Ganun pa man, madi-distinguish pa rin ang gender nung deformed-drawn na tao. Isa itong lalaki.

            Alannah

            Iyon ang pangalan ng estudyanteng gumuhit no’n na nakasulat sa ibabang parte ng bond paper. Kilala niya ang batang ito pero hindi niya ito estudyante. Si Teacher Riz ang may hawak dito. She only knew the kid dahil kakaiba ang ganda ng batang ito. Para bang ang perpekto lang ng kombinasyon ng genes ng mga magulang nito. Bukod sa ganda, napansin din niya ang pagiging good girl nito. Madalas nga niya itong makita na tahimik lang, lalo na kapag hinihintay ang lola na sumusundo lagi rito.

            Buhat-buhat ang isang pile ng drawing activity ng mga bata, lumabas na siya ng classroom para magpunta sa faculty room nila.

            “Alannah?” Hindi na siya nakadiretso sa faculty room dahil nakita niya ang bata na mag-isang nakaupo sa waiting area, nakayuko at ginagalaw ang mga paa.

            Tinignan naman siya nito nang naka-purse ang mga labi. And again, hindi niya mapigilang i-admire ang kagandahan nito. Para itong manika. Maganda ang kutis, bilugan ang mga mata, at itim na itim ang buhok.

            “Wala pa rin si Lola mo, Alannah?” Lumapit siya kasabay ng pag-iling nito.

            Nakaramdam siya ng awa sa bata. Matagal na niyang naiisip na baka may problema ito sa pamilya dahil laging lola ang sumusundo rito. Tapos ngayon, ang nag-iisang matiyaga na sumundo rito ay ang tagal pang dumating.

            Anong oras na. Pasado alas singko na. Halos isang oras nang naghihintay ang bata. Hindi kaya may nangyari na na kung ano sa lola nito? Pag-aalala niya.

            Pero nag-aalala man, napagpasyahan niyang maghintay na lang at magbaka sakali pa ng labing limang minuto.

            Fifteen minutes lang. At kapag wala pa rin ang lola nito matapos no’n, hahagilapin na niya ang data card ni Alannah mula sa mga gamit ni Teacher Riz para kontakin ang parent o guardian nito.

            “Samahan na muna kita rito ah?” Magiliw niyang tanong kay Alannah. Natuwa naman siya nang ngumiti’t tumango ito sa kanya. Mas maganda kasi ito kapag ngumingiti.

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon