Chapter 47: Yvette

9.7K 223 11
                                    

Chapter 47: Yvette


ANG PAKIRAMDAM NA iyon na parang lumulutang at walang maramdaman na kahit na anong sakit, sa pagtulog lang iyon nararanasan ni Yvette. At lagi na lang niyang naiisip, ganon din ba ang pakiramdam kapag namatay na ang isang tao?

Kung oo, gusto ko nang mamatay...

And she felt her heart constrict, as her unconscious mind flew further--so much further, reaching those memories she had left in her past.

***

IYAKING BATA--GANON ang tingin ni Yvette sa kanyang sarili nung bata pa siya simula nang magkasunod na pumanaw ang kanyang mga magulang. Iyak na lang siya. At bakit naman hindi, kung ang pakiramdam niya ay wala nang nagmamahal sa kanya? Pinagpasa-pasahan lang siyang alagaan ng kanyang mga kamag-anak, hanggang sa tumagal siya sa isa sa kanyang mga tiyahin na lagi namang mainit ang ulo sa kanya. Lahat na ng pananakit, natanggap niya rito, mapa-salita o mapa-pisikal.

Nung umpisa, kinakaawaan ni Yvette ang kanyang sarili. Pero hindi nagtagal, natutunan niya na panghugutan na lang ng lakas at tapang ang kanyang bawat pag-iyak para magtagumpay siya sa buhay. Natutunan niyang tanggapin ang pang-aabuso at pananakit sa kanya ng sarili niyang tiyahin, pero hanggang doon na lang iyon. Dahil hindi niya hahayaang may makasakit sa kanya na iba pang tao.

Nang makatuntong sa high school, inilayo ni Yvette ang kanyang sarili mula sa ibang tao. Tutal naman, iba siya sa mga mag-aaral doon sa paaralang kanyang pinapasukan. It was an exclusive school, so almost all of its students were born royale, unlike her na walang yaman o reputasyon na maipagmamalaki. Ayaw naman niya talaga sanang mag-aral sa ganong paaralan, pero pinili niyang magtiis dahil scholarship iyon--libre ang mga gastusin--at alam niya na magandang reputasyon ang maibibigay no'n sa kanyang hinaharap.

Maraming nanlalait sa kanya roon. Maraming bumabangga sa kanya na taas noo niyang pinapatulan. Pero hindi pa rin nawawala ang nga pagkakataon na hindi niya mapigilan ang sarili na maiyak dahil sa sobra nang sakit na kanyang dinadala. Madalas sa may library ng paaralan niya hinahayaan ang sarili na umiyak--doon sa pinakasulok na aisle para walang makakita sa kanya.

Grabe. Umiiyak ka na naman. Hindi ka na nasanay, Yvette. Lagi niyang sinasabi sa kanyang sarili kapag umiiyak siya, tapos ay matatawa na lang siya.

"Uy, si feeling belong." Asar sa kanya ng isa niyang kaklase nang magtagpo ang mga landas nila sa Girls' CR. Pareho silang humarap sa salamin, ngunit sa magkabilang dulo, at sa repleksyon nila nagtitigan. "Paganda ka pa nang paganda, ganon ka pa rin naman. Isang basura."

Nagpintig ang tenga niya roon. Sasagutin niya sana ito, ngunit  parehas silang nagulat dahil may biglang lumabas na estudyante mula sa isa sa mga cubicle sa kanilang likuran. Kilala ito ni Yvette sa mukha, at alam niya na freshman din ito gaya niya. Hindi lang siya sigurado kung taga-anong section ito--Section B o C.

"Uy, del Valle! Huwag kang tumabi sa basura na 'yan!" Pang-aasar na naman nung kaklase niya nang pumuwesto 'yung del Valle sa kanyang tabi para maghugas ng kamay.

Tinignan naman nung del Valle ang kaklase niya sa repleksyon nila sa salamin, at mukhang naguguluhan na sumagot.

"Huwag ako tumabi sa basura? Pero... wala naman ako sa tabi mo ha?"

Napanganga roon ang kaklase niya, habang si Yvette naman ay natigilan. Hindi siya makapaniwala sa naging sagot nung del Valle. Hindi siya makapaniwalang may mag-aaral sa paaralan na iyon na papanig sa kanya nang ganon.

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon