Chapter 50: Smile

11.5K 244 10
                                    

Chapter 50: Smile


SECOND CHANCES.

Some deserve it. Some... simply don't.

Pero paano mo ba malalaman kung deserve ng isang tao ang pangalawang pagkakataon?

"Woah."

Natulala na lang sa sariling repleksyon si Monic nang dumilat siya.

Ang ayos ng kanyang buhok... Ang make-up niya... Hindi siya makapaniwala na sa pagkakataong iyon ay gaganda siya nang ganon.

"Yvette..."

Nilipat niya ang kanyang paningin sa repleksyon ng kanyang matalik na kaibigan na nakatayo sa kanyang tabi. Nakangiti ito at gaya niya ay maganda rin ang ayos. Naka-beige dress ito, at turban na bumagay sa suot nito.

"Bakit... Bakit ang galing-galing mo?"

Ngumiti ito. "Nakahiligan ko lang gawin kaya gumaling ako."

"Alam mo, hindi dapat HRM kinuha mo no'n eh. Dapat cosmetology, o kahit na ano na may kinalaman sa pagpapaganda!"

With that, natawa naman ito. "Kung alam ko lang noon na sa ganitong field ako mag-e-excel ngayon, nako. Cosmetology na nga malamang ang kinuha kong kurso noon." At niligpit na nito ang mga gamit na pang-make-up sa kalapit nilang mesa.

Pinanood naman ni Monic ang mahinhin na pagkilos ng kanyang matalik na kaibigan. Nakakaramdam pa rin ito ng panghihina eh, after going through six cycles already of chemotherapy. Pero ang lahat ng paghihirap na pinagdadaanan nito upang gumaling ay nagbubunga na. Just a week ago, Yvette's doctors said that she was already in remission. Ibig sabihin, wala nang leukemia cells na nakikita sa katawan nito. Kaya sa susunod ay ibang klaseng chemotherapy na ang isasagawa rito upang masiguro ang patuloy na paggaling nito.

Napangiti si Monic. Napakasaya niya na sa araw na iyon--sa araw mismo ng kanyang kasal, ay maganda na ang kondisyon ni Yvette. And she was feeling very thankful, too, na kahit hindi pa lubusang maayos ang pakiramdam nito ay naging hands-on best friend pa rin ito sa paghahanda ng kanyang kasal. Ito ang tumulong sa kanya mula sa pagpili ng wedding gown na kanyang susuotin, hanggang sa pag-aayos ng kanyang sarili. 'Coz fashion and hair and make-up, forte iyon ni Yvette kaya dito niya ipinagkatiwala ang mga iyon.

"U-uy!" Napatayo bigla si Monic nang makitang napaluhod si Yvette habang nagliligpit. "Yvette!"

"Ayos lang ako." Sagot nito sabay tawa nang mahina.

"A-anong ayos lang?! Bigla-bigla kang napaluhod eh!" Sobra-sobrang kinakabahan si Monic. Parang gusto niya tuloy sugurin ang mga doktor nito para makasiguro na gumagaling nga talaga ang kanyang kaibigan.

"Nix? Huwag ka ngang magkunot-noo! Pinaghirapan kitang ayusan tapos gaganyanin mo lang mukha mo?!"

"Huwag mo ibahin ang usapan! N-natatakot ako, Yvette. Huwag ka namang ganyan oh, please?"

Ngumiti ito at tinitigan siya. "Nix naman. Huwag kang matakot. Sabi ko naman sa'yo, ayos lang ako. Napagod lang ako nang unti. Hindi naman kasi porket maganda na ang kondisyon ng katawan ko, magaling na magaling na ako. 'Di ba?"

Oo nga naman...

Kahit papaano, nakahinga na nang maluwag si Monic. At kasabay no'n ay ang pagyakap niya kay Yvette sa paraan na gusto niyang iparamdam dito na ayaw niya itong mawala.

"Don't worry, Nix." Niyakap din siya nito at marahang tinapik sa balikat. "Alam kong napakahalaga ng araw na 'to para sa'yo kaya napakahalaga na rin nito para sa akin. Kaya hindi ko hahayaang masira ang araw na 'to nang dahil lang sa kalagayan ng katawan ko. Kaya... hayaan mo na lang akong ipahinga ito nang kaunti, ha? Para naman mamaya, magampanan ko nang maayos ang papel ko bilang maid of honor mo."

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now