Chapter 39: Rejection

8.1K 185 22
                                    

Chapter 39: Rejection


UMAGANG-UMAGA, NAALIMPUNGATAN si Marky nang hindi niya makapa ang anak na katabi niyang natulog sa kanyang higaan.

"Alannah?" Tawag niya rito habang bumabangon at nagkukusot ng mga mata. Kaso walang sumagot.

Nasipatan niya ang oras sa kanyang digiclock. It was just ten minutes to seven in the morning. Masyado pang maaga sa normal na gising niya tuwing Lunes. Tapos napuyat pa siya kagabi kakaganti ng harot sa kanyang anak. Kaya naman medyo mabigat ang pakiramdam ng katawan niya nang siya ay tumayo para hanapin ang bata.

"Opo!"

Masayang boses ni Alannah ang sumalubong sa kanya pagkalabas niya sa kainan. Nakapuwesto ito sa maliit at kuwadrado nilang hapag-kainan, kasama si Alastor na nasa tabi nito.

"Oh, dude. Good morning!" Ang kaibigan niya ang unang nakapansin sa kanya.

Ang anak naman niya na kakasubo lang ng fried rice na nakahain sa harapan nito ay nginitian lang siya.

"Kakauwi mo lang, Las?"

"Hindi naman. Kanina pa akong alas-dos nakauwi. Na-miss mo ba ako?"

Binigyan niya ang kaibigan ng walang ganang tingin. "Siraulo."

"Ouch!" Napahawak naman sa dibdib si Alastor, umaarteng nasaktan.

Umupo na si Marky sa kabilang side ng kanyang anak at ginulo ang buhok nito.

"Ikaw, prinsesa ko, tinakot mo ako ha. Bigla-bigla ka na lang nawawala sa tabi ko."

Pero hindi naman pinansin ni Alannah ang sinabi niya dahil naka-focus ito sa pagkain. That made him feel thankful though, na kahit siraulo ang kaibigan niya ay marunong naman kahit papaano na mag-alaga at mag-asikaso ng bata.

"Eh sa ang tagal mo daw gumising eh." Si Alastor ang sumagot sa sinabi niya sa kanyang anak. "Pero buti na lang hindi malikot 'tong anak mo 'no? Naabutan ko siya kanina na nakaupo lang dito eh at nagmumuni-muni. Halos atakihin nga lang ako sa puso nang makita ko siya. Tang'na, akala ko kung sinong kaluluwa ng bata na nagpaparamdam eh."

"Siraulo ka talaga," matawa-tawang sagot ni Marky. "At huwag ka ngang magmura sa harapan ng anak ko." Sabay seryoso ng tono.

"Ay, sorry!" Si Alastor naman ang gumulo ng buhok ni Alannah. "Pero dude, ang sarap pala magkaroon ng ganitong anak 'no? Parang gusto ko na tuloy magkaanak."

"Eh 'di mambuntis ka na."

"Ayoko nga! Puwede bang ito na lang si Alannah ang maging anak ko? Ibigay mo na lang siya sa akin!"

Napakunot noo si Marky. "Aba, anong tingin mo sa anak ko? Alagaing hayop na hinihingi lang?"

"Grabe ka naman. Porket hinihingi, parang alagaing hayop na agad? Uso naman child adoption sa panahon ngayon ha!"

"Wala akong plano na ipaampon ang sarili kong anak kaya magtigil ka na."

"Damot..." Ngumuso si Alastor. "Samantalang magkakaroon ka naman na ng bagong anak in nine months..."

Nanlaki ang mga mata ni Marky sa narinig. "P-pinagsasabi mo diyan?" At bumalik sa isipan niya ang nangyari sa kanila ni Monic dalawang araw na ang nakararaan.

Ngumiti nang nakakaloko ang kaibigan niya. Nagpapasalanat naman siya na abala pa rin sa pagkain ang anak niya para pansinin ang pinag-uusapan nila.

"Patay malisya ka pa ha, dude. Nakikita ko sa mga mata mo, naka-score ka na kay Nix. 'Di ba? 'Di ba?"

"Hindi 'no." Tanggi niya sabay tayo at alis papuntang CR.

"Wehhh? Woooh!" Sigaw pa nito. "Kahit hindi ka umaamin, I'm still so proud of you, dude! Hindi mo sinayang ang sakripisyo ko no'n na lumayas nang alanganin sa oras!"

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon