Epilogue

17.9K 326 56
                                    

EPILOGUE


AFTER 12 YEARS

"AWW."

"Sorryyy!"

Mula sa sobrang panggigigil ay hinalikan ni Monic ang kanang kamay ng kanyang asawa. Nagmamaneho pa naman ito at pinagbigyan lang ang matindi niyang trip na hawakan at panggigilan ang isa nitong kamay. Eh kaso, hirap siyang kumontrol ng panggigigil kaya madalas, nasasaktan niya ito sa huli.

"Baby, mag-sorry ka rin sa daddy mo!" At dinikit niya ang kamay ni Marky sa malaki niyang tiyan. Kasalukuyan siyang nagdadalantao eh. Thirty weeks na, baby girl at-- "Uy, Gibson?!"

Nang makita ni Monic sa rear-view mirror si Gibson--ang apat na taong gulang na nilang anak--na kumakain ng isang piraso ng shanghai roll sa backseat ay kanya itong nilingunan.

"Uy, Kuya Gibs, bakit ka kumuha niyan?!" Patampo niyang sita sa anak.

Si Marky naman ay natawa at napailing. "Gibs, 'di ba sabi namin mamaya tayo ulit kakain? Pagkarating natin kay Tita Yvette?"

Ngumiti lang ang bata habang ngumunguya.

Napabuntung hininga si Monic. Napakatakaw talagang bata ni Gibson, kahit nung nasa sinapupunan pa lang niya ito. Nung pinagbubuntis nga niya ito ay naging triple ang lakas niya sa pagkain. Buti na lang, hindi siya tabain--na hindi naman namana ng kanyang anak. Dahil sa katakawan ay naging mabilog at siksik na bata si Gibson. Kaya medyo hinihigpitan na nila ito sa pagkain dahil natatakot sila na ma-overweight ito--or worse, maging obese.

"Sharap." Ngiting-ngiting sabi ni Gibson sabay sipsip sa hintuturo.

Hay, grabe!

"Kuya Gibs, stop that. Halika, punas ka na ng hands mo." Pinatayo ni Monic ang anak sa pagitan ng puwesto nila ni Marky at pinunasan ang mga daliri nito gamit ang tissue. "Malapit na tayo kay Tita Yvette. Huwag mo na galawin 'yung foods natin diyan, ha?"

"Opo." Ngiting-ngiti pa rin nitong sagot. But Monic doubted na susunod ito. Kahinaan kaya talaga nito ang pagkain! Makaamoy nga lang ito ng masarap... ay, nako.

Monic told Gibson to behave afterwards, at nag-stay put naman na ito sa backseat, ang hintuturo ay kagat-kagat habang nakatingin sa labas ng bintana. Binantayan na ito ni Monic ng tingin sa rear-view mirror. Mahirap na eh, at baka wala na silang pagkain mamaya pagkarating nila kay Yvette.

Gibson Añonuevo. Pangalawang anak na nila ito ni Marky--or pangatlo, counting Alannah in as their eldest.

Tuwing tinititigan ni Monic si Gibson, lagi na lang niyang naaalala ang pinaglihian niya noon habang pinagbubuntis niya ito. Malalaki at malalambot na unan. Madalas pa nga magtampo noon si Marky dahil mas gusto niyang kayakap ang mga unan na binili nila kaysa rito na kanyang asawa. Ayun naman ang naiisip niyang dahilan kung bakit naging tabain ang kanilang anak. Wala naman kasing tabain sa pamilya niya o sa pamilya ni Marky. Matakaw, meron pa--at siya na ang unang-una sa listahan. Pero tabain, wala talga.

Sa itsura, hati ang nakuha ni Gibson sa kanilang mag-asawa. Although a lot said na mas lamang ang namana nito kay Monic. Unlike Gabriel--ang una niyang anak kay Marky.

God, Gabriel Añonuevo.

Napailing si Monic nang isipin niya kung gaano kamukha ni Gabriel si Marky. Gabriel was already ten, at habang lumalaki ito ay lalo nitong nagiging kamukha ang ama. Pero 'yung attitude, sa kanya nakuha.

"Malayo pa po tayo kay Tita Yvette, Mommy?" Tanong ni Gibson na ikinatawa nilang mag-asawa. Grabe, hindi na talaga makapaghintay na kumain.

"Malapit na po." Sagot ni Monic sabay haplos sa malaking tiyan.

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon