Chapter 46: That Bitch

8.7K 191 10
                                    

Chapter 46: That Bitch


TENSYON--RAMDAM NA ramdam iyon ni Monic sa pananahimik nila ni Marky habang nasa biyahe sila, sakay ng sasakyan nito. Kanina pa niya sinusubukang kumalma sa pamamagitan ng paghinga nang malalim, pero walang epekto. Tensyonado pa rin siya sa kabila ng magulo niyang damdamin.

Monic was... mad, but also very worried. And she hated herself for feeling that way--only for that bitch.

"Ma," halata sa boses ni Marky ang ganon ding pag-aalala nang sa wakas ay makarating na sila sa kinaroroonan ni Malou which was sa hallway ng isang ospital. Nakahalukiphip itong humarap sa kanila, tila nilalamig. "Nasaan po si Yvette? Kamusta na po siya?"

"Nandiyan sa loob." Nilingunan nito ang katapat nilang pintuan ng isang private ward. "Nasalinan na siya ng dugo pero wala pa rin siyang malay. Grabe naman kasi ang ginawa niya sa sarili niya. Mukhang gusto talaga niyang..." Hindi na nito tinuloy ang sinasabi at napailing na lang.

Nanghihina namang sumalampak ng upo si Marky sa kalapit na upuan. Pinatong nito ang parehong siko magkabilang tuhod at tinapat sa mukha ang magkahawak na kamay.

"Kasalanan ko 'to lahat eh..." Bulong nito nang may panggigigil dahil sa galit, malamang galit sa sarili na gusto sanang kontrahin ni Monic.

"Ano ka ba, anak." Ngunit naunahan siya ng ina nito na tinabihan pa ito at hinaplos sa likod. "Hindi mo kasalanan ang nangyari. Si Yvette, gumawa siya ng mga desisyon sa sarili niya at kumilos base sa mga desisyon na iyon--"

"Pero hindi naman siya magde-desisyong magpakamatay dahil sa mga sinabi't ginawa ko sa kanya kahapon."

Natahimik sila sa mga salitang binitiwan ni Marky, but only for a moment dahil sumagot din hindi kalaunan ang ina nito.

"Kung anuman ang ginawa at sinabi mo sa kanya kahapon, ayun lang naman ang alam mong tama, 'di ba? Unless na ikaw mismo ang nagsabi sa kanya na gawin niya ang ginawa niya ngayon."

Umiling si Marky at tinakip ang mga palad sa mukha.

"Wala tayong dapat sisihin, Marky." Pagpapatuloy ni Malou. "Walang may kasalanan sa nangyari. Ayun ang ginusto ni Yvette sa sarili niya--mas pinili niyang gumawa ulit ng isang pagkakamali para tapusin ang lahat. Too bad for her, though, dahil nailigtas namin siya."

Saglit na naman silang natahimik, bago kinuwento ni Malou ang buong pangyayari.

"Nakakatakot nga lang talaga ang ginawa ng batang 'yan kanina..." Tulalang simula ni Malou. "Nung nakita ko ang sasakyan niya na nakaparada sa labas ng bahay, akala ko kadarating lang niya kaya hinintay ko lang siyang pumasok. Pero ang tagal niya... Nung sobrang natagalan na ako, at saka lang ako lumabas para tignan kung ano bang ginagawa niya. At ayun na ang nakita ko... Nakaupo siya sa driver's seat, tulala at pasara na ang mga mata. Sa unang tingin, para lang siyang lasing at inaantok. Pero mapapansin mo agad ang dugo sa damit niya--sa may kandungan niya kung saan nakapatong ang kaliwa niyang braso--braso kung saan siya naglaslas."

Napapikit si Monic at napasandal sa pader.

"Pahirapan pa siyang ilabas kanina ng sasakyan niya. Naka-lock kasi lahat ng pinto at bintana. 'Yun ngang security guard ng subdivision na hiningian ko ng tulong, binasag na lang ang isa sa mga bintana mabuksan lang ang sasakyan niya, at wala na siyang malay nung mailabas siya." Huminto ito saglit para magbuntung-hininga. "Sabi naman ng doktor kanina, grabe raw ang pagkakalaslas na ginawa ni Yvette sa sarili. Mukhang alam daw nito kung paano maglaslas sa paraan na malaki ang tsansa ng pagkamatay. Kaya maraming dugo ang nawala sa kanya eh at kinailangan niya pang salinan ng dugo. Ngayon tuloy, mahigpit nilang bilin na bantayan natin siya nang maiigi dahil hindi natin alam kung ano nang tatakbo sa isipan niya matapos ng ginawa niya."

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now