Chapter 30: At del Valle's

7.8K 224 10
                                    

Chapter 30: At del Valle's


"BYE!"

"Bye po."

Mula sa passenger seat ng sasakyan ng kanyang nobyo ay nakangiting kinawayan pabalik ni Monic si Malou na nakatayo sa tapat ng gate ng pamamahay ng mga ito.

"Bye Lola!" Sigaw naman ni Alannah na nasa backseat at nakadungaw sa bintana ng sasakyan at kinakawayan din ang matanda. "Bye Mommy!"

Kamuntikang mapaikot ng mga mata si Monic nang magpaalam ang bata pati sa ina nito na nakatayo at nakangiti sa tabi ni Malou.

"Ingat kayo." Paalam pa nito sa kanila.

Monic bitterly looked at her former best friend. Grabe lang ang bilib niya rito. Sinabihan na niya ito't lahat na huwag magpakitang-tao sa kanya pero ayun, patuloy pa rin itong umaarte na maayos na ang lahat sa kanila—na para bang hindi niya alam na may kung anong tumatakbo sa isipan nito laban sa relasyon nila ni Marky.

Napahugot ng malalim na hininga si Monic nang paandarin na ni Marky ang sasakyan nila at tuluyang makalayo sa dating kaibigan. She was relieved na hindi na niya kakailanganing magtimpi pa sa presensya nito. Pero naroon din 'yung lungkot na hindi na niya makakasama pa si Malou na mas nagparamdamam ng pagiging magulang sa kanya kaysa sa sarili niyang ama at ina.

Napapikit si Monic nang maisip ang sariling mga magulang. Magbabalik-loob na nga pala siya sa mga ito. At haharapin na ng kanyang nobyo ang mga ito.

God...

Sobra na naman siyang kinakabahan.

Sana lang talaga, totoo at hindi na magbabago ang sinabi ni Mommy na tanggap na ni Daddy ang relasyon namin ni Marky...

Nilingunan niya ang kanyang nobyo na kalmadong nagmamaneho. Naiinggit siya sa pagka-kalmado nito. At nagtataka rin siya. Paano nito nagagawang maging ganon ka-kalmado sa sitwasyong kakaharapin nila?

Maybe because he already met my parents before?

Naipakilala na nga niya dati si Marky sa kanyang mga magulang. Once, kumain silang lahat sa dati pa nilang bahay and that time, halos hindi tumigil sa pagpapawis si Marky dahil sa sobrang kaba.

Noon, wala namang pinakitang pagkontra ang mga magulang niya kay Marky. Although, wala ring pinakita ang mga ito na pagkaboto sa binata. They were... just okay with him. Marahil ay dahil inasahan na ng mga ito na maghihiwalay rin sila—na nangyari nga eventually.

And this time... makakaharap nang muli ni Marky ang kanyang mga magulang, with a pending case of cheating on her. Kaya dapat kabahan ito. Pero wala, kalmado lang talaga ito.

"Bakit, Nix?" Marky asked nang nakatuon ang paningin sa dinadaanan nila. Napansin pala nito ang pagtitig niya kahit mukhang naka-focus ito sa pagmamaneho. "Titig na titig ka sa akin. Parang gusto ko tuloy na itabi muna itong kotse at makipagtitigan sa'yo."

Makipagtitigan? The idea made her heart go crazy. Gusto niya iyon, eh. But not now!

"Magmaneho ka lang diyan!" Kontra niya rito na ikinatawa ni Marky. Paano ba naman, halatadong gusto talaga niya ang ideya na 'yon.

Napaihip ng hangin si Monic para pakalmahin din ang sarili niya. Pilit siyang nag-relax sa kinauupuan at tinuon ang paningin sa dinaraanan nila.

"Marky. Bakit ba ang kalmado mo ngayon? Hindi ka ba kinakabahan ha?"

"Hindi. Ayoko eh."

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon