Chapter 48: Hold On

9.1K 228 21
                                    

Chapter 48: Hold On


KABA ANG UNANG-unang naramdaman ni Monic nang dumilat na si Yvette at makita siyang nasa tabi nito--at nang hawak-hawak pa ang isa nitong kamay. Ang una niyang naisip ay magpupumilit ulit itong umalis, eh wala pa naman doon si Marky sa mga oras na iyon para matulungan siya.

Dapat hindi mo na lang kasi siya hinawakan at binulungan eh! Sita niya sa kanyang sarili, nang bigla-bigla namang umiyak si Yvette.

Magsasalita dapat siya para tanungin ito kung bakit, kung may masakit ba sa katawan nito o ano, kaso hindi niya magawa. May kung ano kasi sa pag-iyak ni Yvette kaya hindi siya makakilos. Siguro dahil ayun ang unang pagkakataon na umiyak ito sa kanyang harapan--nang ganon pa--na para bang ngayon lang nito hinayaan ang sarili na umiyak para ilabas ang lahat ng sakit at lungkot na pilit nitong kinikimkim sa matagal na panahon.

In an instant, nakaramdam din ng sakit at lungkot si Monic. Sa nasasaksihan niyang pag-iyak ni Yvette ay naiiyak na rin siya. Bakit ba kasi nagkaganito ang kaibigan niya? Bakit ito nasasaktan at nalulungkot? Dahil lang naman sa kanya, 'di ba? Dahil sa kanila ni Marky--dahil sa pagmamahalan nila na hinahangad sana nito.

Yes, Yvette had been a bitch to her. Pinagtaksilan siya nito at sinaktan. Once, she thought that she wouldn't be able to forgive her, ever. Pero sa mga oras na iyon, parang bumaligtad ang mundo. Hindi sa pinapatawad na niya ito. Rather, siya na ang may gustong humingi rito ng tawad.

"S-sorry, Yvette. I'm sorry." Salita ni Monic sa sira na boses. "Sorry for hurting you like this."

At naiyak na rin siya. But the moment she did so, narinig niya na natawa si Yvette sa gitna ng sarili nitong pag-iyak.

God. Ano na bang nangyayari? Nababaliw na ba kami?

Parang gusto na tuloy isipin ni Monic na ilusyon niya lang ang lahat--na talagang baliw siya at nasa isang kuwarto na ng mental hospital para magpagaling.

Nakita niyang pinunasan na ni Yvette amg sariling mukha, at saka pilit na umupo. Nag-panic naman siya roon.

"Uy, uy, teka--" Mabilis na nagpunas ng sariling mukha si Monic at tumayo. Pagkatapos ay hinawakan niya si Yvette sa isang balikat upang pigilan itong umalis habang ang isa naman niyang kamay ay inabot ang health buzzer para tumawag ng nurse o doktor.

Pero bago pa maabot ni Monic ang buzzer, nahawakan at napigilan na ni Yvette ang kamay niya.

"No need for that, Monic... Hindi na ako magpupumilit umalis... gaya kanina..." Sabi ni Yvette. May panghihina at lungkot sa boses nito. Tapos ay suminghot pa.

"T-talaga?"

Yvette made a faint smile, at doon napansin ni Monic na namumutla pa rin ito.

"Talaga..." Binitawan na siya nito sa kanyang kamay.

Monic thought that was all. Kaya laking gulat na lang niya nang yakapin siya nito bigla sa tapat ng kanyang tiyan na para bang isa itong batang anak na naglalambing. Sobra niya 'yung ikinagulat na hindi niya agad maisip kung ano bang dapat niyang gawin. Yvette never hugged her before. Ang paglalambing lang nito minsan dati ay pagsandal sa kanya. But that hug... it was making her want to cry again. It felt so relieving, like it was telling her that everything was finally okay--that they were finally okay.

"Nix... Do you know you're crazy?"

Kumurap naman si Monic para pigilan ang nagbabadyang pagbagsak ng mga luha niya. At saka siya sumagot.

"Actually, I was thinking that I am crazy a few minutes ago. Pareho kasi tayong umiiyak, tapos bigla ka na lang tumawa."

Natawa na naman si Yvette, but without breaking the hug. Doon naman na ginantihan ni Monic ang yakap nito.

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now