Eight]

1.5K 37 1
                                    

Flame and Ice: The Twin of Chaos

©Lhenzified 2013


Chapter Eight//

Frail's POV

Sabado na ngayon at ang club na namin ang magpapakitang gilas sa club clash. Ang venue namin ay sa mini museum ng aming school.

We will be doing a flashmob actually, yung magugulat nalang yung mga tao na may biglang sasayaw sa kanilang harapan, unexpectedly.

7am palang ng umaga pero nandito na kami sa school dahil kailangan pa kaming lagyan ng mga kung anu-anong make-up, body paints at costumes. Iba-iba ang aming suot na customes dahil iba-iba ang mga roles namin. Yung limang babae sa amin kasama si Ailee ay nakapang ballerina na damit while yung ibang lalaki namin ay nilagyan ng body paint. Yung iba naman, pang hiphop na damit lang. Yung sa akin naman ay nagsuot ako ng skintone na leotards at leggings pero lalagyan yun ng paint. Bukod dun, lahat ng hindi matatabunan ng aking damit kasama na ang aking mukha at mga kamay at paa ay lalagyan ng body paint. Ang malas ko, bakit ako pa kasi yung piniling magfront-act eh.

Habang pinipintahan ang aking damit ay biglang may nagvibrate sa aking phone. May nagtxt.

Si Flame :)) . Wow! Himala, nagtxt sya.

"Goodluck sa inyo mamaya."

Mareplyan nga. "Thanks Flame :) . Nood ka mamaya ah."

 

After ilang minutes, nagreply ulit siya.

"Geh. Nakita ko kung san venue nyu. Anong gagawin nyo sa mini museum ng school?"

Hindi nya pwedeng malaman, wala kasing pwedeng makaalam ng plano namin basta ang plan namin ay papuntahin lang ang mga judges at mga students na gustong manood sa museum.

"Basta. Punta ka ah ;) "

 

"Ok" reply nya.

"Hoy babae! Sino nanaman yang katxt mo? Si Flame nanaman nuh? Ayiii. Ikaw ah." Eto na naman ang chismosa kong kaibigan na si Ailee at ginugulo na naman ako.

Nagulat ako ng bigla nyang inagaw ang phone ko at tiningnan niya eto. Lumabas ang ngiting aso sa kanyang mga labi.

"Ayiii. Ikaw ha. Ano, nililigawan ka na ba ni Flame?" Pangungulit nya. Alam na niya kasing nakatxt ko si Flame kagabi. 

"He! Tumabi ka nga jan, sa'yo ko ilagay etong body paint eh." Sabay hawak ng lata ng body paint at akmang ibubuhos sa kanya.

Flame and Ice: The Twin of Chaos [Reopened] - FIL/ENGOnde histórias criam vida. Descubra agora