Chapter 47

316K 5.7K 979
                                    

Don't you share your smile with anyone else but me.

--


Pagkatapos ng birthday party ng binata ay nagsibalikan na ang mga katulong sa pagtatrabaho. Una nilang ginawa ay ang mag-impis ng kalat. Hawak-hawak pa rin nya ang baboy na ibinigay ni Zelo sa kanya. 

Yes, he may not be as sweet as her dad... but she loves him just the same. Kakaiba kase itong magpakita ng pagmamahal... at minsanan lang. She feels special whenever he treats her special kase madalang lamang nito iyong gawin. 

"Halika," aya nito sa kanya. He held her hand and led her outside the mansion.

"San tayo pupunta?"

"Kay tatay," maikli nitong sagot.

Natuwa siya. He must really love her that much para ipakilala siya sa ama nito. She got excited and scared at the same time. Baka kase hindi siya magustuhan ng tatay nito dahil sa ugali nya. Naninigaw pa naman siya ng mga katulong dati.

Baka isa ito sa natarayan nya... di nya alam.

"Teka, asan ba ang tatay mo?" tanong niya sa binata. Nakita nya kaseng papalabas sila ng gate. 

"Basta," sagot nito.

"Malayo ba yan? Mag-kotse na kaya tayo?"

"Hindi. Sa likuran lang."

"Sa likod? Eh ang layo kaya nun!"

May mataas na mataas na bakod na nakapalibot sa lupain nila. At ilang ektarya rin ang lawak ng lugar kaya ang likuran na sinasabi ni Zelo ay hindi isang tumbling lang.

Binitawan nito ang kamay niya. "Kung ayaw mo, 'wag kang sumama. Dami mong arte." Nagpatuloy ito sa paglalakad. 

Agad naman siyang sumunod dito at saka niya ito kinapitan sa braso. "Eto na nga, maglalakad na."

--

Mag-iisang oras silang naglakad nang sa wakas ay makarating na rin sila sa pupuntahan. Mapuno sa likuran ng property nila. Hindi pa kase ito gaanong developed. Nakita niya ang isang malaking puno na may kulay white na lubid na nakaikot sa katawan nito.

Then she saw on it's ground... isang lapida.

Tiningnan niya ang binata. She couldn't read his expression. Hindi naman ito mukhang malungkot... pero hindi rin masaya.

"Ayan ang tatay ko," sabi nito ng nakaturo sa lapida.

"Zelo..."

Pilit itong ngumiti. "Alam mo ba... dahil sa 'kin, nagawa nyang magnakaw? Sakitin akong bata. Halos araw-araw, may sakit ako. Mahirap lang kami at walang pambili ng gamot si itay. Puro utang na kami sa tindahan na malapit sa 'min. Minsan... palapit pa lang si tatay para mangutang, minumura na sya ng tindera.

Madalas ring magkasakit si Itay dahil hindi sya kumakain. Naging basurero sya dati. Tapos kada umaga, isang pandesal lang yung kinakain nya. Sa akin yung dalawa... tapos yung kape, sa akin na lang din. Sa tanghali, ipangbibili nya ng gamot at pagkain yung kaunting pera na naitatabi nya mula sa pagbabasura. Tapos iinom sya ng tubig at bibili ng tinapay... saka sya aalis ulit para naman magtrabaho bilang barker sa mga istasyon ng jeep na malapit sa 'min.

Sa gabi... itinutulog na lang nya ang gutom. Hindi ko nga alam kung pano nya nakayanan na ganoon sya araw-araw... lalo na kapag walang nagpapautang sa 'min ng pambili ng pagkain..."

Hindi sya makapagkumento. Hindi nya kase alam kung ano'ng tamang sabihin para mapagaan ang loob nito. He doesn't look like he's on the verge of crying. In fact, mukhang okay naman ito. Pero ang lungkot lang kase ng kinikwento nito sa kanya. Natatakot syang baka kinikimkim lang nito ang sakit.

DAMA: The Princess BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon