Chapter 9

361K 5.8K 1.1K
                                    

Me, weird? Bitch--I'm limited edition.

--


"Dylan, where's mommy?" Danny asked his son. Kasalukuyan itong nakalupagi sa sahig,  naglalaro ng chess mag-isa habang nakaharap sa glass wall ng kwarto nito. May isa kaseng pader ng kwarto nito na mula ceiling hanggang sa floor ay salamin. Para nga naman hindi na nya kailangang magpalagay ng mirror sa kwarto nya.

Dun nya trip palagi na maglaro ng chess--kalaban ang sarili nya.

"Mom told me not to tell you." Sagot nito sa ama.

Kumunot ang noo ni Dani. "Why not?"

The kid sighed saka tumingala sa ama.

"She's been crying pa. She misses ate."

"Where is she then?"

Nag-alangan si Dylan.

"Come on son, tell me..."

"West wing pa... sa ballet room."

Tinanguan ni Dani ang anak at saka sya nagtungo sa ballet room. It's the most unused room at the house. Wala naman kaseng sumasayaw sa pamilya nila kundi si Dama. Meg wanted her daughter to be a brilliant ballerina kaya simula pagkabata ay pinagti-take nya na ito ng ballet lessons.

Nahinto lang iyon ng maging teenager ito. Mas ginusto na kase nito ang mag-shopping at mang-alipusta ng kapwa.

Meg loves dancing... kaya sa ginawa ng anak ay hindi nya naiwasan ang magtampo.

--

Naabutan ni Dani ang asawa na inaayos ang tutu na sinusuot ni Dama noong maliit pa lang ito. Nakaupo si Megan sa sahig--umiiyak. Something tugged at the heart of her husband... who rarely sees her cry. Ngayon lang ulit ito umiyak....

"Ma..." Nilapitan niya ang asawa at niyakap.

"D-Dad!" Halatang nagulat si Meg ng mapansin na nasa likuran na nya ang asawa. She brushed her tears away. "I-I was just... ano kase... na-irritate yung mata ko. Maalikabok na kase 'to." She pretended to brush the imaginary dirt off the tutu.

Dani smiled and kissed her hair. "Stop lying to me. I know you're missing her."

Naitulak ni Meg ang asawa. "No! Of course not! Why would I miss her? Mas masaya nga dito sa bahay kung wala sya eh... walang maarte!"

"Bakit defensive ka masyado?" Taas-kilay na tanong ni Dani.

"Hindi kaya!" She replied in an obviously high-pitched, defensive tone.

"Sure ka mommy?"

"I am sure! 'Wag ka ngang gumawa ng issue dad. I'm not missing her."

Dani sighed.

"So I'm sure you don't want to hear about what she's doing, right?"

"No."

"Uh--okay." He shrugged then stood up. Naglakad si Dani palabas ng ballet room but before he exits, he turned to his wife, smiled and said:

"She's doing fine Meg. Don't worry too much. She's stronger than you think." 

When he was finally out of the room... saka lang nakangiti si Megan.

--

"Ouch--" Nakagat na naman ni Dama ang dila. Pangatlong beses na 'to ngayong araw ah? Ano'ng problema ng bibig nya?

"Wow... mukhang madaming nakakaalala sa 'yo wah?" Nakangiting puna ni Eli.

Nagla-lunch sila sa kubo. Kanina pa naha-high blood si Dama dahil halos magsugat na ang dila nya kakakagat.

DAMA: The Princess BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon