Chapter 45

354K 5.8K 2.6K
                                    

What I enjoy about winning? Seeing the hope on the losers' face slowly fading. –RXTMR

--

"Ang sweet ng parents mo noh?"

Pinapanuod nilang magbabarkada mula sa mataas na terrace ng kwarto nya ang parents nya na nasa garden. Her room was at the east room, para matatamaan sya ng morning sunlight. Dyma's was on the west room because he prefers the sunset... or that's what she wanted to think. Ayaw kase nyang maguilty. Originally kase, room ni Dyma itong kwarto nya. Pinalipat lang nya ang kapatid dahil gusto nyang nakikita nya araw-araw ang sunrise.

Perfect view kase.

Nasa garden ang parents nya that afternoon. Magkahawak ang kamay na naglalakad-lakad. Until now, she can't quite understand why her father loves her mother so much. Kahit ang tagal ng mag-asawa nito at may dalawa nang anak ay wala pa ring makapantay sa sweetness ng dalawa.

"Kung sweet ang parents mo best, san ka nagmana?" tanong ni Eula sa kanya.

"Oo nga. Sobrang bitter mo kase eh. Ampon ka ba?" tudyong tanong naman ni Keeme.

She glared at both. "Ang sama sama nyo talaga!" singhal nya sa dalawa.

Nagtawanan ang barkada. "Pero nakakakilig talaga ang daddy mo best. Ang gwapo gwapo pa!"

"Hey... off-limits ang daddy ko," banta nya sa kaibigan.

"Joke lang! May Jairus na 'ko noh..."

Lei rolled her eyes at her sister's remark.

"Jairus ka ng Jairus, nandyan naman si Keeme," sabat ni Eli.

"Nah! 'Wag na!" reklamo ni Eula.

"Uy si Chastene nao-OP," untag ni Lei sa kanila. Napatingin silang lahat kay Chastene na nasa isang sulok.

Siniko ni Dama si Eli na katabi niya. "Kausapin mo kaya."

Siniko siya nitong pabalik. "Eh di ikaw."

"Ayeee... si Eli nahihiya!" tudyo nila sa barkada.

"Ako na naman ang nakita nyo," nakanguso nitong reklamo.

"Tabihan mo kase si Chastene nang hindi ma-OP," sabi ni Lei dito.

Lumipat sina Eula at Keeme sa tabi kabilang side ni Chastene. Si Lei naman ay lumipat sa tabi ni Dama. Pinagitnaan nila yung dalawa.

--

Eli shivered when his elbow touched Chastene's. Nagka-crush na naman siya dati pero hindi tulad nito na natatameme sya. He finds Chastene cute kase. The kind of cute that would bring you a burst of happiness whenever you look at them.

She looked bubbly even though she's not smiling at all times.

Kakaiba... that's what it feels like. Kakaiba na magaan sa pakiramdam.

--

Napatingin ang mag-asawa sa magbabarkada na nagtatawanan sa terrace.

"She looks so happy..." Meg said to Dani.

"I know... who'd have thought, right?"

"I actually did something good."

He kissed her hair. "Yeah, you did. Hindi ka nangangalay mommy? Don't you want to sit?" he asked in concern.

"Medyo nga dad. Upo muna tayo."

He nodded and they went to the gazebo. That gazebo was patterned after the movie A Cinderella Story which starred Hilary Duff and Chad Michael Murray. Meg liked the look and feel of the gazebo so she asked him to build her one.

DAMA: The Princess BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon