Chapter 5

427K 6.4K 1.9K
                                    

Oh darling... go buy a personality!

--

"HOY! WAG KANG TATALIKOD HANGGAT KINAKAUSAP PA KITA!" Iritadong pahabol ni Dama kay Zelo. Lumabas sya ng kwarto ng basang-basa ang mukha at blouse dahil sinabuyan sya ni Zelo ng tubig.

First day of school kase ni Dama kaya kanina pa sya ginigising ni Manang Pacing. Nakapasok na't lahat si Meera ay natutulog pa rin ang dalaga. Narinig ni Zelo na bumuntong-hininga ang ina at bumulong ito sa sarili na... Pabayaan na nga.


Magtu-tooth brush na sana si Zelo eh. Pero yung ipapangmumog nya sana ang natripan nyang gawing panggising sa dalaga. Effective naman eh--bumangon ito agad.

Zelo rolled his eyes. "Naririnig pa rin kita kahit nakatalikod ako."

"Nag-aaway na naman kayo? Umagang-umaga ah." Puna ni Manang Pacing na naghahain ng agahan nila.

"Eh eto kaseng anak mo! Walang respeto sa katawan!" Bulyaw ni Dama sa matanda.

Doon sya nilingon ni Zelo, he was glaring at her again.

"Wag mong pagtaasan ng boses ang nanay ko!"

Napapitlag si Dama sa biglang pagtataas ng boses ng binata.

"Zelo anak..." Saway sa kanya ng ina.

Hindi iyon pinansin ni Zelo. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Umayos ka ha!" Dinuro-duro nito ang noo ng dalaga. "Nasa pamamahay ka namin. Lumugar ka!"

Dama sneered. "Tss. Bahay? You call this a house? Eh kahit aso namin aayawang tumira dito eh!"

"Kahit naman sino aayawang tumira kung saan ka naron. Yang ugali mo--singbaho ng hininga mo." Zelo crinkled his nose. "Mag-toothbrush ka nga!"

Nahampas sya ni Dama sa sobrang inis. Hindi naman nasaktan si Zelo at tinawanan lang ang napahiyang dalaga.

"Tama na nga yan... mahuhuli na kayo sa pagpasok." Saway ni Manang Pacing sa kanila. "Oo nga pala... hija... yung uniform mo, naplantsa ko na. Nakalagay yun sa sala. Isuot mo na lang mamaya."

"Uniform?" Dama gave her a quizzical look. "Nag-u-uniform kayo? Yuck! How cheap! Halatang hindi makabili ng maraming damit!"

"O eh ano ngayon?" Pambabara ni Zelo sa kanya.

Inirapan lang ni Dama ang lalaki at pabagsak itong naupo sa hapag kainan. Itlog at tuyo ang ulam--na sobrang ikinadismaya ni Dama.

"Walang french toast?"

"Walang french toast?" Zelo mimicked her in her own annoying voice. "Wala. Wag kang kumain kung ayaw mo."

"Gusto mo ba ng toast? Bibili ako ng tasty bread." Manang Pacing offered.

"Wag na! Di ako nakain ng bread na hindi whole wheat."

"Arte. Pare-pareho din namang tinapay yun." Pabulong na remark ni Zelo na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Dama.

"FYI lang poor guy. Yung mga cheap na tinapay na nabibili mo lang sa tabi-tabi--hindi kasing-sustansya ng kinakain ko!"

"Bakit parang wala namang epekto sa 'yo?" He retorted.

"Ay ano ba yan... Zelo anak... maligo ka na. Sige na."

Agad na sumunod ang binata sa ina at naligo ito agad habang si Dama naman ay simangot na kumain ng agahan.

--

Pagkatapos mag-agahan, naligo na rin si Dama at hinalungkat ang mga gamit na pampasok. Sinabi sa kanya ni Manang Pacing na galing sa mommy nya ang mga gamit. May mga fresh underwears para sa kanya na laking pasasalamat naman nya at branded.

DAMA: The Princess BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon