Chapter 8

375K 6.3K 1K
                                    

Hated by many, confronted by none.

--

Hindi na nga nakasama si Zelo sa inuman pero masaya pa rin ang lima kahit sila -sila lang. Ang lakas palang uminom ni Eula. Akala ni Dama ay kaunahan itong aayaw pero ito pa ang may pinaka-maraming tagay.

Si Keeme, ang tanggero, ay pilit nilalasing si Lei. Nalaman ni Dama na bumabait si Lei kapag lasing kaya ginagawa ni Keeme yun. Nauutangan pa nga raw ito. Si Eli ang mahinang uminom at puro pulutan ang nilalantakan.

First time ni Dama na uminom out of a shot glass na pinagpapasa-pasahan. Sanay kase sya na red wine lang ang iniinom. Minsan white wine. Minsan champagne. Kaya palaging sa wine glass. Kung shots man, kanya-kanya sila ng mga kainuman niya.

Napapangiwi sya sa tuwing papasahan siya ni Keeme ng isang shot ng tequila. Wala naman kase silang sliced lemons eh. Iced tea lang na tig-sasampung piso ang chaser nila.

Ang mga pulutan, tig-sasampung pisong chichiria lang.

Pero masaya sya. For the first time in her life, she felt like she truly belonged to a group. 

--

Hindi namalayan ni Dama na dalawang linggo na pala ang lumipas mula noong unang lipat niya sa bahay nina Zelo. Nothing much has changed since then. She was still mean. She was still bitchy. Tamad pa rin sya at sumasagot-sagot sa mga matatanda.

Nandidiri pa rin sya sa mga pagkain sa karinderya at hindi pa rin sya gumagawa sa bahay.

Change takes time and two weeks is not enough to straighten her manner.

Pero may isang bagay na nagbago sa kanya.

Maaga na syang gumising.

At 6am, she would get up from the bed and sit at the living room to wait for her breakfast. Nakatunganga lang sya doon habang pinapanuod ang kawawang matanda sa pagkukumahog sa pag-iintindi sa nakababatang anak at sa paghahanda ng almusal.

Nadala na kase si Dama dahil isang linggo--straight--tuwing umaga, nagigising sya sa buhos ng tubig ng pinsan nya sa mukha nya.

There's this one time na bumili pa pala si Zelo ng yelo mula sa kapitbahay at binabaran yung tubig na ibubuhos nito sa mukha nya. Ayun, mangiyak-ngiyak sya sa lamig.

Kaya naman pinilit nya talagang unahan ang pinsan sa paggising. One time nga, nagising sya ng 4:30 sa sobrang pagka-paranoid na tanghaliin sya ng gising. She took the opportunity para gumanti.

Wala namang nagawa si Manang Pacing dahil kasalukuyan itong bumibili ng pandesal. Dama took the dipper saka yun pinuno ng tubig at walang anu-ano'y ibinuhos sa mukha ni Zelo.

Napapitlag ang binata at ke aga-aga'y nagmumura.

Tatawa-tawa lang noon si Dama.

Sa inis ni Zelo, inagaw nya yung tabo sa dalaga at ipinukpok sa ulo nito. At dun na nagsimula ang isa pang maagang pag-aaway na nakagising sa ilang kapitbahay.

Napagalitan tuloy ang dalawa hindi lang ni Manang Pacing kundi pati na rin ng mga kapitbahay.

--

Hindi na rin sumasabay si Dama kay Zelo dahil madalas itong nauuna para sunduin ang nililigawan nito. Si Dama ni Eli ang madalas magkasabay--pwera ngayon dahil mali-late daw ito at pinauna na sya.

Pagdating niya sa usual nilang hintayan, naabutan nya si Eula na nag-aayos na naman sa ilalim ng punong mangga. Lalapitan na sana nya ito ng biglang may umuna sa kanya. Tatlong babae na pare-pareho ng style ng bag ang lumapit kay Eula.

DAMA: The Princess BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon