Chapter 37

303K 5.4K 895
                                    

...you are my sweetest downfall.

--


Bitch sa umaga, iyakin sa gabi. What more to expect from a girl na recently lang ay nawalan ng mga kaibigan at minamahal?

That's Danielle Marie Dirham for you. Some says she's changed. Others don't believe it. Well as for her, she thinks that she just found the lighter side of things. Too bad, they didn't last.

"Sweetie, lolo's nurse called. Pinapapunta ka daw sa bahay nya," bungad ng mommy nya pagkabukas nito ng pintuan.

Walang kagana-gana syang tumingin dito. "Why daw?"

Her mother shrugged. "Beats me. So, pupunta ka?"

She gave her mom a shrug. "I guess I'll go."

Her mom smiled at her saka ito lumabas ng kwarto nya. She changed into a simple Lacoste shirt and a pair of denim shorts before going out. Knowing her lolo, baka sa isang araw pa sya nito pauwiin sa bahay nila.

She didn't bother packing extra clothes though. Marami naman siyang damit sa bahay nito. May sarili na rin syang kwarto. Kaya naman, kahit maglayas siya ng isang taon ay hindi nya ikamamatay.

Mas spoiled kase sya sa lolo nya.

--

Upon arriving at the mansion, sinalubong sya ng mga nakahilerang katulong. Nakapila ang mga ito sa tigkabilang side ng pintuan.

"Magandang gabi po Miss Dama," they chorused.

Oh my gosh... what's wrong with this picture? Why do I feel so off?

 

Nagtataka na talaga sya sa sarili nya. Dati-rati naman ay gustong-gusto nya ng ganito. Yung feeling na luluhod sa 'yo lahat. Wow... being poor really is life-changing. Kahit nga ba hindi pa ganoon kahaba ang experience nya rito.

She walked past the maids. Nasa dulo ng hanay ang lolo nya. Naka-wheelchair ito na tulak-tulak ng isang nurse. May dextrose na nakakabit sa matanda at mukhang mahinang-mahina na ito. Nevertheless, he still found the strength to stand up para salubungin sya at yakapin.

"Apo!" bulalas ng matanda.

"Hi lolo." Gumanti sya ng yakap dito.

"Kumusta ka na?" tanong nito sa kanya.

"Okay lang po. Ikaw?"

"Well," the old man motioned to his wheelchair. "Have you eaten?"

"Yep. Ikaw lolo?"

"I just finished actually. Let's go to my study?" aya nito. Tumango siya. Naupong muli ang matanda sa wheelchair dahil hindi na nito kayang maglakad o tumayo ng matagal.

She offered to push his wheelchair for him. Agad naman itong pumayag. So she rolled the wheelchair up to the study.

Nang makarating sila doon ay itinuro ng lolo niya ang isang lamesa na may nakapatong na chess board.

"Maglalaro tayo ng chess lolo?"

Ngumiti ito. "No. I don't play anymore. Masakit sa ulo."

"Then why—"

"I have a proposition for you."

"What kind of proposition?"

"Sit down," utos nito.

Naupos sya sa tapat ng matanda.

"I want you to have a chess match with Dyma," agad nitong sabi pagkaupo nya.

DAMA: The Princess BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon