Chapter 7

387K 6.2K 1.4K
                                    

I wish I had a lower IQ so that I could think of an insult you'd understand.

--


Dama made sure that she set the alarm of her new cheap phone before going to bed. Ayaw na nyang magigising sa buhos ng tubig mula sa atribidang pinsan-pinsanan.

Pero kinabukasan...

*splash*

Napasigaw ng mura ang dalaga.

"Ano ba!" Nangggagalaiti sya sa pinsan-pinsanan na nakatayo lang sa tabi ng higaan nya, may naka-drape itong towel sa balikat at tooth brush sa bibig. Yung ipangmumumog sana nito ang ipinambuhos nito sa kanya.

"Tanghali na." He said blandly.

"So?! May alarm ako!"

"Sho?" Pang-gagaya nito sa kanya. Zelo removed his tooth brush from his mouth. "Bumangong ka nga ak magwalish ng bakurang. Bilish!" Tumatalsik-talsik pa yung bula mula sa bibig nito na lalong nagpa-irita sa dalaga. 

"Kadiri! Lumabas ka na nga! Natatalbugan ako ng virus mo!" Itinulak nya palabas si Zelo at saka hinanap sa higaan ang cellphone nya.

Mabuti na lang at nasa ilalim ito ng unan--sayang din naman kapag nabasa. Wala syang pamalit.

Padabog syang lumabas ng kwarto. Nakita nyang nagbibihis ng uniform na pampasok ang batang si Meera.

"Good morning ate!" Nakangiting bati nito sa kanya.

"Walang maganda sa morning kaya 'wag kang ngumiti dyan."

"Ate bat basa ka?" Kunot-noong tanong ng bata.

"Tanong mo sa kuya mo!" Pairap nyang sagot. She stormed to the bathroom para maligo. Sinadya nyang unahan si Zelo na kakaigib pa mandin ng tatlong timbang tubig. Bilang ganti--inubos ni Dama ang tatlong timbang iyon.

Galit na galit si Zelo paglabas ni Dama ng cr. Napa-igib pa tuloy ito bago nakaligo ng maayos.

--

School...

Uso pala sa kanila ang mag-antayan sa ilalim ng punong mangga. Hindi na nagulat si Dama ng makita niyang nakaupo dun sa paikot na semento si Eula at nagpapaganda na naman. Parang ganung order din sila laging dumarating. Kaunahan sa school si Eula, tapos dadating silang tatlo nina Zelo at Eli. Saka darating bigla si Lei at pinakang-huli naman si Keeme.

Hindi rin uso ang politeness sa magbabarkada.

Naranasan na ni Dama ang mahablotan ng kinakain... courtesy of Keeme. Ang halos minu-minutong pambabara ni Lei. Ang nakakairitang pangaral ni Eula. Ang pagiging shunga ni Eli na nakakaapekto rin sa utak nila.

At syempre pa, ang pang-aalaska ng pinsan nya.

First time nya ring makaranas ng hayagang pangongopya sa katabi. Hindi kase sya nag-aral kagabi kaya eto sya... umaasa sa papel ni Eli. Magkakatabi silang anim during the quiz. Si Zelo ang pinakang-mina ng sagot. Pasimple naman iyong kokopyahin ni Eli. Tapos sinisilip naman ni Dama. Si Lei naman sa kabila ni Zelo tapos si Keeme... na nanghahablot ng papel kapag hindi maintindihan yung sinusulat ng katabi.

But oddly enough, si Lei at Zelo lang ang tumataas ang scores. Si Lei kase, mayaman sa stock knowledge. Si Zelo.. matalino talaga saka masipag mag-aral. Pagdating kay Eli, naiiba yung sagot ni Zelo.

Namamali kase ng spelling.

"Kokopya ka lang mali pa?!" Reklamo sa kanya ni Dama during lunch break.

DAMA: The Princess BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon