Chapter 14

339K 6.4K 520
                                    

I'll wait patiently until you're brave enough to fall for me.

--


Araw ng Linggo.

Maagang umalis ng bahay si Manang Pacing at Meera para mamalengke. Naiwan ang magpinsan sa bahay na tulog pa rin kahit alas syete na ng umaga.

Nagising si Dama ng mga bandang alas nwebe ng umaga dahil sa gutom. Agad lumabas ng kwarto para maghagilap ng pagkain sa kusina. When she opened the door, agad niyang namataan ang pinsan na natutulog sa sofa ng mahirap as she likes to call it.

Ito yung upuan na yari sa bamboo tapos may mga throw pillow na pinagtagpi-tagping retaso yun punda.

Naka-stretch dun si Zelo at nakapatong yung braso sa mga mata nito. Tulog na tulog pa rin.

Nilapitan sya ni Dama.

Dama settled on top of the bamboo table, which she likes to refer to as coffee table ng mahirap. Mahilig syang maupo dun kahit ilang beses na syang napagalitan ng mga kasama sa bahay.

She's always perched on top of that, naka-indian sit.

Pinagmasdan niya ang pinsan. Pawis-pawisan na ito dahil tanghali na at wala pa silang electric fan. She had the urge to get a fan at kusang paypayan ito pero pinigilan nya ang sarili.

Baka kase magising ito at magtaka. Baka maungkat pa yung sikreto nya.

Little organ, sumasayaw ka na naman dyan. Tinitingnan ko pa lang sya ah?

Napahawak si Dama sa dibdib.

Malala na 'to. This can't be.... I need to find a distraction.

She was already getting lost in her thoughts ng magising ang lalaki. And by simply meeting his stare, her heart instantly became erratic.

"G-Good morning." Nababalisa nyang bati dito.

He just looked at her sleepily. Malamang ay antok na antok pa rin ito. His eyes are still half-closed. Magulo ang buhok nito na kung saan-saang dereksiyon nakaturo.

Still... she's never met a guy as attractive as he is,even with his current state.

Nagpalinga-linga si Zelo.

"Ang nanay?"

"Namamalengke."

"Si Meera?"

"Kasama."

Zelo craned his neck to look at the kitchen table. "Nagsaing ka?"

"Kakagising ko lang." Sagot ni Dama.

Tiningnan sya ng binata. Bigla tuloy syang na-conscious. Di pa kase sya nagsusuklay. Ni hindi pa nagmumumog at naghihilamos.

He tsk-ed. "Bakit nakaupo ka na naman sa lamesa?!" Pasigaw nitong tanong.

Sa kabiglaan, napatayo kaagad ang dalaga.

"Sorry naman."

Naglakad papuntang kusina ang binata. Sinundan nya ito.

"Magdikit ka ng apoy."

She looked confused. "Pano didikit ang apoy?"

He glared at her. "Namimilosopo ka? Magsindi ka ng kalan!"

"Kalan? Asan?" Sa pagkakaalam ni Dama, ni wala ngang Solane ang pamilya nina Manang Pacing.

Itinuro ni Zelo ang kalang de uling na matagal ng hindi pinapansin ni Dama. 

DAMA: The Princess BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon