Chapter 38

291K 5.3K 561
                                    

The pieces of my heart are missing you.


--



Agad na nagtatakbo ang dalaga palabas ng bahay. Kasunod niya ang kapatid at mga kaibigan.

"Get the cars ready!" utos niya sa mga katulong. Nagmamadaling sumunod ang mga ito. Nilingon nya ang kapatid. "Dyma, sina mommy?"

"Nauna na ate," sagot ng kapatid niya.

"Okay." Nagpahid sya ng luhang nakaalpas sa kaliwa nyang mata. Then she snapped back at the maids. "Ano? Nasan na ang sasakyan?!"

"N-Nasa labas na po Miss," sagot nito.

Nilampasan niya ang katulong at dere-deretsong pumunta sa sasakyan nilang nakaparada sa harap ng bahay. She hopped inside the car. Sumunod naman si Dyma.

"Ate, stop crying. Lolo will be okay..." pag-aalo sa kanya ng kapatid.

"I hope so too," sagot niya dito.

--

Hope. It's a beautiful thing. It keeps us going. Pero may mga pag-asang hindi dumarating. Some salvations are not given.

I'm sorry... he didn't make it. Yan ang mga katagang dumurog sa puso ng dalaga. Bakit ba lahat ng mahal niya ay kinukuha sa kanya? Una si Zelo... ngayon naman ay ang lolo niya. It's as if life is enjoying her misery. It's as if she's not entitled to some happiness.

Niyakap sya ng mga magulang. No words were said. No condolences were exchanged. The hugs said it all.

They were sorry... they were sad... but no one is sadder than her.

She just lost her first best friend. She just lost the first man who gave her so much love. Ang lolo niya kase yung nag-iisang tao na kahit kailan ay hindi siya iniwan. He loves her so much that he gave her eveything she wanted, kahit pa labag sa loob nito na ibigay iyon sa kanya.

Whenever she's with her lolo, feeling nya ay hindi sya nag-iisa.

And now everything just shattered in front of her very eyes. Her great-grandfather just died... what now life?

Her legit lolo was not even as close to her as her great-grandfather. Kaya kahit napakalayo pa ng age gap nila, hindi ito naging hadlang para magkalapit sila ng matanda.

Now he's gone... nawala na yung pinaka-paborito nyang lolo sa mundo...

--

"Sweetie... nandyan sila sa baba," entrada ng mommy nya pagkabukas na pagkabukas nito ng pinto. Halos dalawang linggo na rin mula nang mailibing ang lolo nya.

Lumipas na ang Pasko... ang pinakamalungkot na Pasko ng buhay nya. Ngayon, ilang araw na lang at Bagong Taon na.

Bagong Taon... may mababago kaya?

Tumingin lamang sa labas ng bintana ang dalaga at hindi na sinagot ang ina. Narinig nya itong bumuntong-hininga. Pagkatapos ay narinig na niyang magsara ang pintuan ng kwarto niya.

She slumped back to bed and covered her face with the blanket. Malamig na naman... uso na naman ang yakapan. 

When she was still with the Nasino family, she tried imagining what Christmas with them would be like. Ano kaya ang ihahanda nila, o kung may handa man? May regalo kaya syang matatanggap?

Pero wala na eh... wala na yun ngayon.

They didn't even celebrate Christmas to grieve over her lolo's death.

DAMA: The Princess BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon