Chapter 19

337K 6.3K 1K
                                    

I wasn't born with enough middle fingers to let you know what I think.

--


Sana pala hindi ko na lang sinabi...



Sising-sisi si Dama sa nangyari earlier today. Nagsisisi sya na nagpadala sya agad sa emosyon niya. Nakakapagsisi rin na sinabi nyang gusto nya ang pinsan knowing all too well na hindi naman sya gusto nito.

Ano pa nga ba'ng magagawa nya? Nasabi nya na eh. And she promised herself that she will accept whatever consequence--should there be any.

At ayun nga, todo iwas sa kanya si Zelo.

Kanina sa hapag kainan, hindi na ito nag-almusal at umalis na lang, saying na kelangan nyang sunduin ng maaga si Tassie.

Sa school, palagi itong nakahiwalay sa kanilang magbabarkada.

Akala nga ng mga kaibigan nila ay magkaaway ang magpinsan. It's a good thing they didn't know any better.

Tryouts noon ng department nila for the Intramurals. Malapit na rin kase itong maganap at kailangan nila ng mga manlalaro para sa college nila.

Lakwatsa mode ang mga estudyante sa department nila dahil busy ang mga teacher sa pag-aasikaso ng tryouts at practice. 

Silang magbabarkada--minus Zelo--ay nakatambay sa ilalim ng punong mangga na malapit sa volleyball court. Si Eula ang pumili ng pwesto na yun. Syempre pa, para malapit sya kay number 5. Sa may di kalayuan, nakatambay si Zelo kasama si Tassie at ang mga kabarkada nito. They were laughing about something she said while Zelo was quietly resigned on one corner.

Pasulyap-sulyap lang sa kanya si Dama. Tutal din naman, hanggang tingin lang sya sa lalaki, might as well na sulitin.

Hala sige, titigan hanggang matunaw.

At dahil sa pinsan sya nakatingin, hindi nya napansin ang bola na papunta sa dereksyon nya. Tumama iyon sa bandang kanan ng ulo nya at kamuntikan na syang matumba.

"Dama! Okay ka lang?!" Eula asked in frantic.

Napahawak siya sa ulo nya. "Aray ko..."

"Miss sorry! Okay ka lang ba?"

Bibigyan sana nya ng pagkataray-taray na linya ang nagtanong ng mapansin nyang parang nanigas sa kinatatayuan ang kaibigang si Eula.

Kaya pala... si number 5 ang nakatama sa kanya.

"Okay lang..." Mahinahon nyang sagot dito. "Pero itong kaibigan ko hindi." Tinuro nya si Eula.

Tumingin dito si number 5.

"Ha?" Litong tanong nito.

Dama grinned at Eula, na nagsimula ng mamula ang pisngi. "Sya yata ang tinamaan eh."

Halos himatayin si Eula ng hawakan ni number 5 ang ulo nito para i-check kung tinamaan din ba ito. When he was sure na walang tama si Eula, nag-sorry itong muli kay Dama at saka niretrieve ang bola at bumalik sa court.

Gigil na napahawak si Eula sa braso ni Dama at nagpipigil ng kilig.

"Best friend na kita mula ngayon!" Kilig na kilig nitong sabi.

Tumawa na lang at dalaga at hindi sinasadyang (o hindi nga ba?) napatinging muli sa gawi ng pinsan.

Her heart almost jumped out her chest ng mapansing nakatingin din ito sa kanya. But when he saw na nakatingin sya rito, he quickly averted his gaze and looked at Tassie instead.

DAMA: The Princess BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon