Chapter 33: Plea

6.9K 191 15
                                    

Chapter 33: Plea


"WOOH!"

"Weee!"

"Aish," naibaba ni Monic ang cellphone na ginagamit niya para kuhanan ng picture ang mag-amang magkahiwalay na nagbibisekleta. "Bumibilis na takbo niyo, ha!"

Narinig niyang tumawa si Marky bago nag-U-turn at bumalik sa kanya. Nasa likuran naman nito si Alannah at nakasunod lang. Kaya nang huminto ito sa tapat niya ay huminto rin ang bata.

"Kapag kayo sumemplang!" Banta niya sa mga ito.

"Hindi 'yan!" Kampanteng sagot ni Marky.

"Bike ka na rin po, Tita Nix!" Yaya naman sa kanya ni Alannah na nginusuan niya lang.

So, that was how their date was going so far. Matapos mag-late lunch ay nagpunta sila sa malapit at malaking parke kung saan may marerentahang mga bisikleta. Actually, ang plano lang talaga nila ay hayaang maglaro si Alannah sa playground na naroon gaya ng unang request nito. Pero bigla itong nahalina na matutong magbisekleta. Pinagbigyan naman ito ni Marky at tinuruan. And being a fast learner that Alannah was, ayun. She could now ride that kiddie bicycle without a pair of balancing wheels. Naiinggit tuloy si Monic. Hanggang ngayon kasi ay takot pa rin siyang magbisekleta.

"Halika na kasi, Nix. Tuturuan kita." Yaya na naman sa kanya ni Marky. Limang beses na yata siyang niyayaya nito magmula kanina.

"Ehhh, ayoko nga. Mamaya sumemplang pa ako. Nakakahiya naman 'yon." Tumingin siya sa paligid at napangiwi sa dami ng taong naroon.

"Sus. Bakit ba lagi mong iniisip 'yung posibilidad na masaktan ka? Hindi ba puwedeng pagkatiwalaan mo muna ako?"

What?

Natawa si Monic at tinapik ang isang pisngi ng kanyang nobyo.

"Adik ka, Marky."

"Nakakaadik ka kasing mahalin."

God. Bigla niya namang pinanggigilang pisilin ang ilong nito.

"Daddy! Ikot po tayo do'n!" Bigla ring sambit ni Alannah.

Parehas nilang nilingunan ang bata at nakita itong nakaturo sa malayo-layong puwedeng ikutan ng mga bisekleta.

"Hmmm, sige." Sagot ni Marky. "Lipat ka muna dito sa harapan ko."

Paano naman ako? Napanguso na naman si Monic. Kung iikot kasi do'n sa malayo ang mag-ama, paano na siya? Maiiwang alone sa palaruan na iyon?

"Nix, angkas ka na lang dito."

Napakurap si Monic sa sinabi ng kanyang nobyo.

Aangkas ako? Tinitigan niya ang puwede niyang upuan sa gitna ng BMX ni Marky. Hindi ba delikado 'yon?

"Tsk tsk. Angkas na nga lang, kinakatakutan pa rin?"

"Kasi naman--uy t-teka!" Hinatak siya ni Marky sa braso at pilit pinaupo sa harapan. Tatakas naman sana siya kaso agad siya nitong kinulong gamit ang magkabilang braso.

"Go, prinsesa ko!" Pinauna ni Marky na magbisekleta ang anak bago sumunod sa likuran nito.

"M-Markyyy!" Takot na takot talaga si Monic. Sobra ang pagkabog ng dibdib niya, maging ang panlalamig ng mga kamay niyang mahigpit na nakahawak sa manibela at sa braso ng kanyang nobyo.

"Shhh. Relax lang kasi." Bulong ni Marky sa mismong tenga niya, making her freeze.

Damn. Lumala pa ang kaba niya dahil sa bulong na iyon eh!

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now