CHAPTER LXXXIV (FREEN's POV)

4.1K 167 19
                                    

Gumising ako nang nakahiga sa sofa.. Nakabantay sakin si bec, at si Fon habang sina Tee, Jim, Yuki, at Maddy ay abala sa pagkukwentuhan.

Bigla kong naalala na nasa morgue ako, pero bat ako napunta dito? Panaginip lang ba ang lahat?

"Love, kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni bec sakin na puno ng pag-aalala.

"Bakit ako nandito? Nasan si nanay? Nanaginip lang ba ako?" Tanong ko ko kay bec.

"Hindi ka nananaginip.. Hinimatay ka dahil sa kakaiyak kaya inuwi ka muna namin dito.." sabi ni Fon. Sa sinabing yun ni Fon ay bigla na namang tumulo ang luha ko..

Hindi nga panaginip.. so ibig sabihin ay wala na talaga si nanay..

Niyakap ako ng mahigpit ni bec habang umiiyak ako.. siguro ay wala na rin syang masabi para mapagaan ang nararamdaman ko kaya pinili nyang yakapin nalang ako. 

Mabuti nalang at nandito sa tabi ko si bec.. sa mga ganitong sitwasyon, kailangan ko ng isang mahigpit na yakap.. dahil napakasakit ang mawalan ng ina..



"Dapat nandun ako.. sino ang nag aasikaso kay nanay?" Sabi ko

"Magpahinga kana lang muna dito, inaasikaso na sya ni mami at ni mama.." sabi ni bec..

"I know it's painful, I don't know what to do para makabawas sa sakit na nararamdaman mo.. but I want you to know that im always here for you.. whether you need me or not.." sabi ni Fon sabay yakap sakin.

Mabuti nalang at napapalibutan ako ng mga taong nagmamahal sakin.. Kaya nagkakaroon ako ng lakas ng loob para lumaban sa buhay..

Ngayon ko narealize, na hanggat nandyan yung taong mahal mo, wag kang mag dalawang isip na sabihin at iparamdam sa kanya kung gaano mo sya kamahal.. kasi kapag wala na sila, wala ka na ring pagkakataon para maiparamdam yun sa kanila..






Sa burol ni nanay ay dumating ang mga empleyado ko sa opisina para makiramay.. Dumating din si Lisa kaya nagkaroon pa ng kaunting kaguluhan sa labas dahil ang mga tao ay hindi mapigilan na magpakuha ng litrato kasama sya..

"Pasensya na po, pero hindi ko po kayo mapag bibigyan ngayon. Nandito po ako para makiramay. Salamat po.." sigaw ni Lisa para marinig sya ng lahat..



Pagpasok nya sa loob ay lumapit sya agad sa akin..

"Freen, nakikiramay ako.." malungkot na sabi nya at naupo sya sa tabi ko.

"Ang tagal ko syang hindi nakasama.. mula nung iniwan nya ako sa lansangan.. tapos ngayon na okay na kami, iniwan nya ulit ako.." sabi ko habang umiiyak.. kaya naman niyakap nya ako..

"Im sure this time hindi nya ginustong iwan ka.." sabi nya sakin..

"Mas okay pang iwan nya nalang ako dahil ayaw nya sakin, dahil ako ang sumira sa buhay nya.. Mas katanggap tanggap pa yun eh.. Hindi katulad nito.." hindi ko na napigilan ang mapahagulgol..

"I know it hurts.. but please be strong for the people who's here for you.. be strong enough to handle the pain.. be strong for those people who wants to be with you.." sabi nya sakin..

"I know its painful.. pero alam kong matatag ka rin kaya hindi ka mapapatumba ng kahit na anong pagsubok..." Sabi nya sakin at niyakap nya ulit ako.

Tama naman sya.. kahit anong pagsubok pa ang harapin ko, dapat kong kayanin.. Hindi lang para sa sarili ko, kundi pati na rin sa mga taong nagmamahal sakin..




















Nakalipas ang limang buwan..
Pagkatapos ng libing ni nanay ay unti-unti ring nawala ang lungkot ko. Unti unti kong natanggap na wala na talaga sya. Yun lang naman yun diba? Its either babaguhin natin yung isang bagay o tatanggapin nalang natin. Sa ingles, Change what you cannot accept.. and accept what you cannot change..

Pero sa case na to, hindi ko naman kayang buhayin ang nanay ko.. so I need to accept the fact na wala na talaga sya.. na hindi na sya babalik.. pero kahit wala na sya dito sa mundo, nandito parin sya sa puso ko..




Nagbukas ng isang Flower shop si becky. Binigyan ko sya ng puhunan pero ayaw nyang tanggapin. Ang gusto nya ay uutangin nya pa. Oh diba? Para saan pa na uutangin nya? Ikakasal naman kaming dalawa. Magiging kanya rin naman lahat ng meron ako.

Pero kahit sinabi ko yun sa kanya, ayaw nyang pumayag. Medyo mataas ba ang pride nya? Sa tingin ko ay sobrang taas ng pride nya. Well, gets ko naman yung point nya na ayaw nya na palaging umaasa sa iba.. Kaya pumayag nalang ako na utangin nya.

At hindi naman ako nagkamali, dahil nakikita ko kung gaano sya kapursigido na mapalago yung business nya.




Si Rich naman ay nag simula ng mag kolehiyo. Engineering ang kinuha nyang course dahil pangarap daw nyang mag build ng mga malalaking building katulad ng nakikita nya sa Manila tuwing pupunta kami sa resort ko.


Si Tee at si Yuki naman ay engaged na din. Hindi rin natiis ni Yuki, nag Yes na din sya kay Tee. Mukhang seryoso naman si Tee dahil kahit ilang beses na syang nirereject, hindi nya tinigilan si Yuki hanggang sa tuluyan nang mag yes ito sa kanya.


Si Fon at Sky naman ay nagde-date na.. akalain nyo yun? Sino ang mag aakala na makikipag date sila sa isat isa? As far as I know sukang suka sila sa isat isa noon.



Si Jim at si Maddy naman ay nagkaroon ng boyfriend... Tanging silang dalawa lang ang nag boyfriend sa grupo namin. Hindi ko akalain na may magpapatuwid pa pala sa mga baluktot kong kaibigan.







Saturday, REST DAY..
Nandito na naman ang kumag kong mga kaibigan para manggulo.

"Isang taon nalang, ikakasal na kayo.." nakangiting sabi ni Tee habang nakatingin sya samin ni bec..

"Oo nga, ang bilis ng panahon no?" Sabi ni Yuki.

"Love, alam mo ba? May sinulat na akong wedding vow.." nakangiti kong sabi sa kanya kaya napangiti sya.

"Talaga?? Parinig nga.." nakangiting sabi nya sakin kaya hinampas ko sya ng unan sa braso.

"Wedding vow nga diba? It should be said in the wedding" Sabi ko sa kanya sabay halik sa labi nya.

"Im excited.. I want to marry you right now.." nakangiting sabi nya sakin at niyakao nya ang braso ko..

"Pwede bang mauna ang honeymoon?" Nakangiti kong sabi sa kanya kaya natawa sya.

"Gabi-gabi na nga tayong nagha-honeymoon eh, kailangan mo pa ba talagang itanong yan?" Nakangiting sabi ni bec.. kaya naman nag tilian silang lahat dahil sa sagot ni bec.

"Woahh.. There you go again, flirting in front of us." Iritang sabi ni Tee.



"Nakakakilig nga eh.. Alam mo Tee? Sa lahat ng may bebe, ikaw lang ang bitter.." iritang hirit ni Jim kay Tee.

"Di kasi inaaruga ni Yuki eh.." tumatawang pang aasar ni Sky.

"Luh.. Look who's talking? Sino kaya ang nag sabing hindi daw nya type si Fon pero ngayon nanliligaw na.." iritang sabi ni Tee kay Sky kaya natawa si Sky at Fon.

"Ang ganda kasi ni Fon eh, hindi ko kayang pigilan ang sarili ko.." nakangiting sabi ni sky habang nakatitig sa mata ni Fon.. kaya naman si Fon ay napangiti rin habang nakatitig kay Sky.

Nakakakilig silang dalawa.. ang sarap nilang panoorin.. naalala ko tuloy kung paano kami nag simula ni bec.. so romantic..





.
.
.
.
The end is so near..
(Abangan ang Wedding vow ni freen para kay Bec) I hope you will like it..






Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon